Friday, March 03, 2006

samu't sari

Kapag nanalo ako sa lotto
bubuuin ko ulit ang bandang Eraserheads!
Kaso di ako tumataya sa lotto.
Tsk..tsk...tsk.

***
Iniladlad na ni Rustom ang tunay niyang kulay!
Sa wakas, MALAYA na ang veklus.

***
Binawi na ni PGMA ang Proc 1017
Ang tanong, eh, matahimik pa kaya ang bansa?

***
Hinintay ko ang DEBATE sa Channel 7 kagabi.
Nandoon kasi si CHIZ Escudero.
Syet ang sarap ng tulog ko.

***
Napansin ko lang, sino kaya ka-text ni CHIZ.
Aba, kapag hindi nakatutok ang camera
laging nakatungo at kinakalikot ang cellphone.
Ano kaya cell number niya?
Hehehe. Wala lang.

***
Minsan ay hindi mo na alam
ang nangyayari kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay mayroong hangganan.

***

5 comments:

racky said...

eto ba ang epekto ng isang linggong NSE sa iyo kapatid?

harapin mo na lang ang sarili mong problema, kahit anong mangyari ganun din ang kalalabasan ...paikot-ikot na lang!

live your life!!!

Wendy said...

Oh C'mon... 'di ba ako namamali ng pasok sa blog... blog mo ba 'to malaya? Hehehe... Anyway... nice work!

bing said...

kapag nanalo ako sa lotto, i think di ko sila maiisip he he
kaso di rin ako tumataya sa lotto

matagal na dafat ginawa ng veklus 'yun, akshuli di na dafat ginawa dahil alam na ng malalapit sa kanya yun..

di matatahimik hanggat walang kapalit na nararapat

ang dami palang me crush ke fafa Chiz.. crush din cya ng ka-officemate ko

LadyWhiteSpirit said...

abah chismis na malinis pala talaga na bading c rustom .

tumataya ako ng lotto kaya positibo ako kahit papaano :D malayong mangyari pero posible naman d bah... hehehe

yep totoong may hangganan :D

hang kulet kulet mo ngayon ahhhh *maraming akaps**beso-beso*muahhhh

melai said...

ilang beses ko na iniisip tumya sa toto dito kaya lang di ako nakakataya kasi alam ko di ako mananalo e :)

teka sino c chiz escudero? wala na ata akong kilala sa pinas :)