Tuesday, March 21, 2006

dubai

Galing po ito sa blog ni marhgil
  • kukote in a jar. Isa itong forwarded e-mail sa kanya. Nagpasya akong ipost ito rito matapos hingin ang kanyang pahintulot para makatulong sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho sa abroad, partikular sa Dubai (tulad ng kaanak ko na nabiktima) at para na rin sa kaalaman ng lahat.

    Isa ako sa mga libo libong Pinoy na nagtatrabaho dito sa Dubai. Tama si Kasamang M*ke Ch*nco sa mga sinabi niya tungkol sa sitwasyon ng mga kababayan natin dito, partikular ang mga "Visit Visa".
  • Ayon sa ulat ng pahayagan dito "Gulf News", mahigit isang daang Pinoy Visit Visa holder ang dumarating dito sa Dubai araw araw. Sila yung mga napaniwala at naloko ng mga recruiters at mga kaibigan o di kaya ay mga kamag-anak na makakakuha sila ng trabaho dito sa Dubai ng madalian. Yun ay isang malaking KASINUNGALINGAN. Marami akong nakilala na nasuong sa ganoong sitwasyon. Nagbenta at nagsangla ng ari-arian, umutang ng patubuan dahil pinaasa sila at pinaniwala na ganoon kadali ang lahat. Di nila alam, lalo silang nalubog at nabaon sa utang.

    Marami pa rin tayong kababayan ang nasa KISH, parte ng Iran kung saan duon nagtutungo ang mga Visit Visa holder kapag ang 2 months visa nila ay expired na. Marami sa kanila ang umabot na ng ilang buwan doon sa kahihintay na mabigyang muli ng panibagong visa. Madali sana, kaya lang paano kung wala ka nang pangbili ng visa. May mga ilang Pinoy na rin ang nasiraan ng bait at mayroon na ring nagpakamatay dahil sa kabiguang dinanas.

    Lubhang napakahirap makakuha ng trabaho dito dahil libo libong Visit Visa holder ang nag-aagawan sa ilang pwestong nakalathala sa mga pahayagan. Hindi lang kasi Pinoy ang kalaban mo, nandiyan ang mga Indians, Chinese, Sri Lankan at marami pang iba. At halos lahat ng employers ay naghahanap ng "Gulf Experience", so ano ng laban mo kung baguhan ka lang dito. "Dubai is not the same Dubai that we used to know", yan ang litanya naming mga Pinoy na matagal na dito. Napakalaki kasi ng pinagbago. Halos imposible ng mabuhay ang pangkaraniwang empleyado, dahil sa taas ng Cost of Living. Lahat ay nagtaas ng presyo, samantalang ang sweldo ay walang pinagbago.

    Marami akong kaibigan at kamag-anak ang nais pumunta at sumubok dito, pero lagi kong sinasabi sa kanila kung ano ang tunay na mayroon ang Dubai. Hindi sa ayaw ko silang tulungan, gusto ko lang malaman nila ang totoo. Kaya kayo po diyan na nais o nagbabalak pumunta dito, nasasa-inyo po ang desisyon, ang sa akin po ay paalala lamang.

    Tandaan po ninyo, Dubai is a good Tourist destination, not a JOB destination.

    Mabuhay po tayong lahat.

    10 comments:

    Mmy-Lei said...

    Madaling makahanap ng trabaho pero mababa na ang sahod. Marami na kasing ibang lahi din ang naglipana sa Dubai.

    Nakakaiyak lang, kapwa pinoy ang nanloloko sa mga Pinoy na nais makapunta ng Dubai. 35K lang ang totoong visit visa + tiket, pero sumisingil sila ng 80K to 100K.

    Kaya kung mayroon kayong kaibigan o kamag-anak na nais makapunta sa Dubai para maghanap ng trabaho (on Visit Visa), please lang, mag-isip muna sila.

    Anonymous said...

    "Tandaan po ninyo, Dubai is a good Tourist destination, not a JOB destination."

    Tandaan mo rin, Dubai is a movie of Aga, Claudine and John Lloyd...hehe!
    Nice post, magandang mabasa ng mga naghahangad makarating sa ibang bansa!!!

    Anonymous said...

    nabasa ko na rin ito. pero i agree with what the author said. when i had a vacation in bahrain, dami din dun mga pinoys na binayaran ng relatives nila ang visit visa nila pero tagal na nila dun & wala pa rin makuhang work. kakaawa talaga.

    Jhezper Driedfish said...

    salamat ng sobra sa pagdaan ha! .. lilink kita .. sana daan ka palagi .. ahihihi

    lojika said...

    sad thing... sabi nga nnila mababa naman talaga sweldo sa dubai compared to other country


    magaling kase umarte si claudine, john loyd at si tito aga eh..heheh baka kaya marami naengganyo pumunta

    Anonymous said...

    runi c.,
    oo nga.sana lang ma-realize din ng mga Pinoy na puwede rin tayong umasenso sa sariling bansa. masisipag naman tayo, yun nga lang kulang minsan sa disiplina at may ilan na puro daing ay salita pero nakatunganga at walang ginagawa.

    Anonymous said...

    mmy-lei,
    naku mommy lei kung nalaman ko rin lang na papunta nga ang kamag-anak ko sa Dubai, eh 'di nasabihan ko na mag-ingat. pero too late a hero na ako kasi naloko na siya. ayun.

    Anonymous said...

    pao,
    saksi ka na sa kalagayan ng mga kababayan nating Noypi. siguro dapat talagang ibayong pag-iingat ang gawin ng mga nais mangibang-bansa dahil dobleng pakikipagsapalaran ang susuungin nila.

    Anonymous said...

    major at lojik,
    fans pala kayo ni aga at claudine.
    hehehe.

    Anonymous said...

    jhezper,
    dadaan ulit ako. don't worry.