may kamag-anak akong nagoyo sa Dubai. ang sabi ng agency dito sa Pinas, may trabaho raw naghihintay sa kanya roon, pero wala nga. kaya ang siste, bumalik siya dito sa Pinas.
may apat pa siyang kasama na nasa Dubai pa rin dahil walang pera pamasahe pauwi.
naisip ko kawawa naman. balak yata niyang mag-reklamo, hindi ko pa siya nakausap nang matino.
nagtanung-tanong ako tungkol sa proseso sa Dubai. ang sabi nga, open country ito at tourist visa yata ang madaling makuha para maka-fly dito. according sa ibang nakapag-work na sa Dubai, ganu'n daw talaga, ikaw mismo ang maghahanap ng trabaho within 2 months. diskarte na lang yata.
ang kaso, lumalabas kasing siniguro nung agency ng kamag-anak namin na may trabaho siya pagdating ng Dubai, pero wala nga. hindi ba malinaw na isa itong panloloko?
sa palagay mo, ano ang dapat niyang gawin?
Tuesday, March 07, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
mukhang panloloko nga. ireport nyo yung agency sa POEA, para matigil na sila sa kanilang mga kalokohan.
hindi sakop ng POEA ang problema ng kamag-anak mo, kasi nga'y tourist visa. Aktuwal na illegal recruitment iyan na may consent din ng biktima. Mukhang alam niya na na tourist visa ang hawak niya, pero puwede siyang magdemanda, kumonsulta siya sa abogado kung ano ang mas angkop na kaso para dito.
hindi sakop ng POEA ang problema ng kamag-anak mo, kasi nga'y tourist visa. Aktuwal na illegal recruitment iyan na may consent din ng biktima. Mukhang alam niya na na tourist visa ang hawak niya, pero puwede siyang magdemanda, kumonsulta siya sa abogado kung ano ang mas angkop na kaso para dito.
ireport na lang siguro sa poea o di kaya kumunsulta siya sa isang abogado o kaya dun sa programa na "isumbong mo kay tulfo" o di kaya mag hire ng isang taong maghahagis ng rebentador o bomaba na lang kaya dun sa agency(oooops masyado atang biyolente)pero kung nararapat talaga na mangyari di ganun na lang(joke)haaaaaaay napapabuntong hininga ako nakakaawa naman ang pangyayari at marami naloloko sana makarma yung agency
lahat naman ng agency ganyan ang sinasabi!
matino o peke, yan ang negosyo nila. teka, baka naman travel agency lang yan? wala na siyang habol kahit magdemanda siya dahil wala ngang kontrata.
pde bang malaman ang pangalan ng agency ng pinsan mo? Saka dun sa hawak nyang Visit Visa, may nakalagay na Agency/Company name at Address. Kung makukuha mo yun at mabibigay mo sa akin, pdeng ma-reklamo ang Agency na yun dito o kung may pinoy/pinay na nagta-trabaho na yun, pdeng kasuhan yung lintang iyun.
Post a Comment