Tuesday, March 14, 2006

tinamaan

pabagu-bago kasi ang panahon kaya ito, parang kulog ang ubo ko. tsk. sa lagay pa naman ng buhay ngayon talagang bawal magkasakit.
isipin mo, P20.25 ang isang tableta nu'ng gamot ko. ba't pa ba ko magrereklamo, eh, kulangot pa ito sa P177 kada tabletang gamot ng mister ko? eto pang nakakatawa dahil sa pag-aakala kong P1.77 ang isang tableta, pito agad ang inorder ko sa sales assistant ng Mercury, good for one week. nagulat ako sa bill nang umabot ito mahigit sa P1,500, saka ko lang na-realize na
P177 nga pala at hindi piso at pitumpu't pitong sentimo ang halaga ng binili kong gamot.
ayun kaya bawal talagang magkasakit, kasi hindi lang katawan mo ang magrereklamo pati lahat ng bulsa at lalagyan ng sisilyong meron ka.

10 comments:

lojika said...

magastos magkasakit...bawal magkaskit....

lalo nakakasakit ng ulo ang presyo ng gamot! kaloka na!

nixda said...

hah? ganyan na ba talaga kamahal ang mga gamot? tsk tsk tsk

di pala sa sakit mamamatay mga pinoy kundi sa kaiisip ng pambili ...:(

*salamat nga pala sa pagbati sa beerday ng wisheart ko, bawi na lang pag-uwi namin :D

lojika said...

bawal magkasit! magastos magkasit!

nkakaloka ang price ng gamot na yun ah..napasubo ka no? lalong nakakasakit ng ulo un!

Anonymous said...

GRABEH bawal magkasakit? di ako pwede jan lol! mas lalo pala dito ... hay!!!

C Saw said...

musta na? magaling na ba?

lws said...

kain ka daming prutas...kalamansi :D

saka kain ng healthy foods, exercise,saka tamang tulog at happy face...happy healthy family.wish ko healthy lifestyle sayo at sayong mga minamahal

Anonymous said...

lojika,
sinabi mo pa. mahal talaga, nakakaloka.

Anonymous said...

neng,
oo nga, pumapayat na nga ako kakaisip.
painumin mo na lang ako ng beer at mag-celebrate tayo ng beerday-beerday.
hehehe

Anonymous said...

melai,
sakitin ka ba? naku alagaan mo sarili mo.

Anonymous said...

c,
yap. tnx.

lws,
salamat sa prutas, este sa pag-aalala. ikaw din ingat ka lagi para happy lahat tayo d2 sa blogosphere.