Friday, February 24, 2006

batas militar?

Idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang STATE OF EMERGENCY makaraang kumalas ng suporta sa chain of command ang ilang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dumagsa ang mga tangke sa AFP at nagdagdag ng puwersang panseguridad sa Malacañang.
Sinupil din ng Pangulo ang lahat ng kilos-protesta kung kaya ang mga programa para sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Edsa revolution ay nakansela - kahit na ang pagsasagawa ng misa sa People Power Monument na pangungunahan sana ni Bishop Yñiguez ay hindi rin pinahintulutan.
Ikinagalit ito ng iba't ibang grupo lalo na ang mga kritiko ng pamahalaang Arroyo. Binatikos ng grupo ni dating Vice President Teofisto Guingona, kasama ng grupong Bayan ang idineklarang state of emergency. Gayunman, mapayapa rin nilang nilisan ang Edsa Shrine makaraang makipaggirian sa kapulisan.
Unang nasampulan ng warrantless arrest sina Professor Randy David, Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas at isa pa nilang kasama nang magtangkang tumulak ang grupo nila sa bahagi ng Edsa-Santolan.
Limitado na rin ang galaw ng media, ayon sa mamamahayag sa loob ng Palasyo. Hindi sila basta-basta nakakukuha ng impormasyon at hindi rin sila maaring magpalabuy-laboy sa loob ng Malacañang.
Nakatatakot ang naturang hakbang...indikasyon ba ito ng deklarasyon ng Batas Militar?
Huwag naman sana, dahil kung magkagayunman, mas mabuti pang natabunan na rin ako ng lupa sa Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte kaysa masupil ang aking KALAYAAN.

6 comments:

Ladynred said...

Ipag-pray nalang natin sila.
Salamat sa pagdalaw. Ingat.

lojika said...

hala...si gloria naloloka na...

Anonymous said...

Ipinapakita lang how weak & vulnerable her leadership is.

Anonymous said...

grabeh naman pala talaga ang krisis dyan sa'tin sa Pilipinas,ipagdasal natin na sanay pumayapa ng paunti-unti at umiral ang pagmamahal sa bayan.

saka ibayong pag iingat.uso ngayon ang hiatus gusto sana kitang yakagin eh :D

God bless :)

Flex J! said...

Parang batas militar nga! Let's hope and pray na magkaisa na sana ang mga politiko towards pushing this nation up!!!

Anonymous said...

pinoy eh!!!

habang hawak tayo ng dayuhan walang maaasahang pagbabago!

bulok na sistema, si Juan ang kawawa...