Wednesday, March 08, 2006

pagtatapos

ilang linggo na lang, hindi ko lubos maisip na magtatapos na si ponks sa kinder 1.
nakakatuwa, dahil sa batang edad ng aking munting anghel, tatanggap na siya ng diploma at naka-toga pa!
kung hindi ako nagkakamali, anim na taon ako nang tumanggap ng diploma sa kinder. nagkapalit pa nga kami ng kaklase ko ng picture na naka-toga dahil magkahawig kami at magkapangalan pa. haay, yan ang mga alaala ko mula sa St. Joseph's College.
iniisip ko lang kung kasama siya sa bibigyan ng special award o 'di kaya magtatapos nang may karangalan. (demanding ba ang ina? heheheh)
anyway, maganda naman ang performance niya sa eskuwelahan lagi siyang kasama sa top - mula top 7 noong 1st grading; top 5 noong 2nd; top 4 nitong 3rd grading - hindi ko pa alam ngayon kung aangat pa siya sa top 3 ngayon dahil sorpresa daw ito at sa araw ng graduation na lamang malalaman.
ang daddy naman niya, nag-aalala, baka raw mamanipula ang grading (haha, worried din si daddy). sabi ko naman okey lang kung anong makuha ng anak mo, as long as alam naman natin ang kakayahan niya, 'di ba?
kinakabahan din lang naman ako kaya naisulat ko ito at parang excited na rin para sa darating na Marso 18.
abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

9 comments:

lws said...

congrat's :)

nixda said...

ich gratuliere! saan ba ang blow-out sistah?

mana sa ina? :)

Anonymous said...

lws,
salamat

nicolew,
salamat na rin kahit spam ka hehehe

neng,
balak ko sabay na lang sa bday ng daddy niya para tipid.
mana sa ina, oo. (hala!) pati rin sa daddy siyempre.

Anonymous said...

me baby ka na pala akala ko baby ka pa e lol! congrats ..kakatuwa lang umattend ng graduation ng bata :) twice ko naexperience yan ewan ko nursery at prep parehong grumad bebi ko :) st joseph college sa may juan luna sa gagalangin? tama ba ko?

Anonymous said...

oist your na spammer,
malaya ang blog ko pero wag mo namang babuyin.
maglalagay na nga ako ng security.

Anonymous said...

mga blogista,
huwag n'yong isipina na sinusupil ko ang inyong malayang pamamahayag. para lang 2 sa mga detabilizers ng blogger.
(hala! katulad ni ummmp!)

jlois said...

congrats na rin kahit huli ako :)

bing said...

inang-ina ka nga! congrats to your little boy!

Loraine said...

yehey! :)
graduation na.. :)
nung kinder ako, may picture ako na nasa dulo palang ng stage eg nakahaba na ang kamay para abutin ang diploma ko. ayaw ko daw lumapit sa mayor namin nun na nagbibigay. hahaha. bilang pruweba, tinadtad ng litrato ang pangyayaring yon.. hay nako.. ang buhay bata talaga.. :)