ang daming missed calls at messages sa cellphone ko, lahat galing sa mga pinsan ko sa Quezon at iisa lang ang tanong nila, kung uuwi raw ba ako ngayong Undas. hayy, gustong-gusto ko pero hindi ko magawa. ngayon nga nasa trabaho ako kasama ng mga multo rito sa opisina - siyempre, bukod pa sa kanila ang mga katrabaho ko. tatlong taon nang ganito ang buhay ko at lubhang nakakabagot na. para na rin akong patay. hayy.
pero sa isang banda, puwede naman akong mawala ngayon kaso nga lang nagkamali ako ng diskarte noong kaarawan ko. dapat pumasok na lang ako nu'ng araw na 'yun at ngayon ko ginamit ang dalawang araw kong leave. hayy at hayy, 'yun na lang ang masasabi ko.
siguro mas tamang ilibing ko na rin ngayon ang mga hinanakit ko sa trabaho at sa personal kalakip ng dasal ngayong Araw ng mga Santo na patnubayan ako lagi sampu ng aking pamilya.
bukas, kasabay ng Araw ng mga Patay ko na lang ipagluluksa ang mga kaganapan na dapat kong naranasan sa aking buhay pero aking nakaligtaan.
Tuesday, November 01, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ahhh kalungkot naman miss ka na panigurado nila kaya sila text sa'yo di bale pag nagkaroon ka naman ng pagkakataon na "sandali" ay makakapiling mo sila at susulitin mo ang bakasyon sa anumang paraan na gugustuhin mo magiging masaya ang 'yong bakasyon.puyat nga ako ngayon eh dahil kagabi trick or treats...may kunting party kaya sakit
'head' ko.okis :) God bless
bata ka pa, wag mo muna patayin ang sarili mo sa trabaho. have a life outside.
"i've been there, done that" - just a friendly reminder.
miss ko na nga ang trekking/mountain climbing/scuba diving/rock climbing....
hayyyy at isa pang hayyy
hey, malaya,
i know this is rather late, 'sensya na. i have this to say: take time to do something silly each day naapektuhan naman ako ng kondisyon mo but then, if you cant be able to be absent because of work demand, that could be quite understandable. but please next time, give yourself a break, ok?
Post a Comment