“20 random facts about me then tag the same amount of people as minutes it takes you to write the facts”
1) petite ako.
2) mommy na ko pero parang hindi, wala sa looks hehehe.
3) dalawa site ko, ito (Malaya) at Carpe Diem. ‘Yung huli intended for English entries at ito naman sa Filipino. Mahirap palang I-maintain ang dalawang blogs.
4) mahiyain ako.
5) pagod na ko sa trabaho ko.
6) miss ko na trekking.
7) trip ko singing, kahit ano.
8) gusto ko pa mag-aral o kumuha ng masteral course.
9) gusto ko rin magturo.
10) akala ko nu’n ang ibang bansa ibang planeta at pag punta ka ng US lalabas ka sa kalawakan kasi ibang planeta nga. O walang tatawa!
11) nanampal ako nung bday ng pinsan ko nalasing kasi ako halu-halo nainom ko J&B, London Dry, Gilbeys at San Mig. pero mas 'di ko malilimutan nu'ng uminom me ng Red Horse na sinundan ng Colt 45 kasi naubos yung RH, grabe 'di ko na uulitin 'yun, promise!
12) tangkad mister ko kaya bagay kami. heheh. wala ulit kokontra!
13) miss ko na ang kalye lahat ng pangyayari sa kalye kasi ngayon nakakulong ako sa opis 7 araw at natutulog lang ako sa bahay. ganu'n, parang boarder.
14) working student ako nu'n sa KFC at naging kras ko yung manager naming bading (paminta). majority ng kostumer kong mga lola at lolo ayaw maniwalang 18 years old na ko nu'n.
15) 'yung pila ng fx sa Muñoz, laging sa may tabi ng drivers seat ako pinapasakay, ewan ko kung bakit.
16) hindi ako makakalimutin, nye, ano nga 'yun!
17) masarap ako magluto. tanong n'yo kay wendy.
18) lumaki (tama ba 'yung term?) ako sa lolo't lola ko sa Quezon.
19) mas gusto ko malasing kesa mag-yosi.
20) matakaw ako pero ngayon hindi e.
Ooops, ipapasa ko ang tagay kay wendy, jack, anne, j, bulitas, nhila, janice, iPOB at bethski
Wednesday, October 26, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Oo, magaling ngang magluto si Malaya... kahit kulang minsan sa rekado luto niya... masarap pa rin. "Lumaki," pag-iisipan ko. Anyway... may tag na naman ako galing sa'yo... anyway... salamat! Carpe Diem!
tanggera ka rin pala ...hehehe
Prosit (cheers)!
p.s.
kaya pala nasarapan ka sa TAGay ko.
Prosit uli!
hi pag nandyan din ako sa manila madalas din akong pasakayin sa harap sa gilid ng driver ako gustong gsuto ko naman lalo na pag may sound siya .
happy halloween na lang dyan for sure nasa bakasyon ka:)God bless
eyyy kelan rd mo(rest day) mo?di bale next yr sana makauwi ka sa province niyo para maiba naman ang undas experience mo,btw, alam mo minsan napagkamalan ko ikaw at si wendy iisa napuntahan ko na yung isang pwesto mo as carpe diem di lang ako nakapag co-comment pero nakapagba-basa ako dun dahil gandang ganda ako.ako din nahirapan na rin akong mag maintain ng blogs biruin mo isa sa bravenet dalawa sa blogspot at dalawa sa i.ph waaaaaaa kaya tama ang hirap nga kailngan ng focus talaga...haaaaaaaaaaaaay
Post a Comment