Ang cellphone laging hawak, ipinapakita.
Ang Bible laging nakatago at ayaw ipakita.
Ang cellphone binibili kahit libo-libong halaga.
Ang Bible ayaw bilhin, kahit isang daan ang halaga.
Ang cellphone laging pinapalitan ng case.
Ang Bible hindi man lang mabilhan ng case.
Ang cellphone ay ayaw magasgasan.
Ang Bible hinahayaang maalikabukan.
Ang cellphone bihirang makaligtaan kung saan iniwan.
Ang Bible madaling makaligtaan kung saan naiwan.
Ang cellphone mahirap ipahiram, baka masira.
Ang Bible madaling ipahiram, kahit mawala.
Ang cellphone laging binabasa kung may bagong message.
Ang Bible hindi binabasa kaya hindi makita ang message.
Ang cellphone message masarap i-share.
Ang Bible verse nakakalimutang i-share.
Ang cellphone ipinapakita ang lifestyle ng tao.
Ang Bible nagpapabago ng lifestyle ng tao.
Ang cellphone mabilis maluma.
Ang Bible hindi naluluma.
Ang cellphone message kung minsan ay late.
Ang Bible laging on time ang message.
Ang cellphone kailangan mag-load para mag-message.
Ang Bible laging fully loaded ang message.
Ang cellphone ay mahalagang gamit ng tao,
pero ang Bible ay mas mahalaga kung gagamitin ng tao.
---oOo---
Na-receive ko ito sa aking e-mail. Since limited din lamang ang nasa address book ko, naisipan ko na lang na i-post ito rito, at least, maraming blogista ang makababasa - kahit nasa list ko o wala. Sana'y magising tayo sa mensaheng ito!
Monday, November 07, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
walastik, kaka-post ko lang ah! bilis naman ng spammer. grrr! :(
OKEY ANG MESSAGE mo. Sige, ise-send ko sa mga PARI at PASTOR.
Wow! nice reminder....
THANKS...
wala akong cellphone pero may bible ako proud na proud yan lang pwede kong ipagmalaki...
i also received this sa email and sent it to all the people in my addy book
aray ko! buti na lang natapilok uli dito.
thanks for sharing!
eh pa'no yan? nasa cellphone ko ang bible ko. :P
Post a Comment