Tuesday, November 29, 2005

Araw ng Supremo

ISANG pagbibigay pugay sa Supremo ng Katipunan.
Maligayang isandaan at apatnapu’t dalawang kaarawan
Gat Andres Bonifacio!
(Nobyembre 30, 1863)
.
---KKK---
.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
.
Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
.
Sa aba ng abang mawalay sa bayan
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.
.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
.
Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit.
.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

7 comments:

kramer said...

taas kamay para kay ka andres!

Anonymous said...

salamat, kramer!

nixda said...

mabuhay ang tunay na Bayani!

lws said...

mabuhay ang lakas ng bayani:)

unknown particle said...

taas kamao naman mula sa akin!!! para kay ka Andres ang ipanagkanulo ni Aguinaldo!!!! hehehehehe i was supposed to use malaya!!! mabuhay ka!!!

Dorothy said...

wow, nationalistic pride. :)

Anonymous said...

neng, j at melai,

ito na lang yata ang magagawa ko sa ngayon para sa bayan. ang ipaalala na may mga bayani tayong pinagkautangan ng ating kalayaan kaya marapat lamang nating mapahalagahan at mapangalagaan. mahirap yatang humawak ng tabak!