Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nagsimula ang bakasyon pero hindi na lalagpas ang isang linggo, tapos na ang buwan ng Mayo at simula na naman ng pasukan.
Mahihirapan na naman akong mag-adjust lalo na sa traffic. Tuwa ko lang pag hindi na ako nahuli sa pagpasok sa office. Buti nga ngayong buwan, hindi ako masyadong nale-late kaya ineenjoy ko pa ang time card ko. Baka itong Hunyo, maging red card na ito, waaaaah, huwag naman sana.
***
Matatapos na ang bakasyon pero hindi man lang ako nakauwi sa probinsiya, balak ko nga ngayong Sabado - eksakto, piyesta pa naman sa amin. Matutuwa siguro sina Amama at Inana na makita ang paborito nilang apo, si Gina, este si Karen pala (nyehehehe).
Balita ko rin na magre-reunion ang batch namin nu'ng high school, kaya gusto ko ring makauwi. Marami na akong na-miss. Sana matuloy ako sa Sabado, kahit isang araw lang magandang alaala na ito sa 'kin.
***
Si Taylor Hicks ang nanalo sa American Idol laban kay Katherine McPhee. Napansin n'yo ba? May hawig si Taylor kay Gringo Honasan lalo na't gray-haired pa ang 29-anyos na winner. Hehehe, kaya pala hindi maare-aresto ng awtoridad si Gringo, busy sa pagkanta.
Thursday, May 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
lol! ..teka mas kahawig siya ni george clooney
melai,
oo may hawig din siya kay clooney pero mas lamang si Gringo.
(ipilit ko ba? heheheh)
tama kyong 2, hawig sya ni Gringo at George...
tara, daan ka muna sa bahay ko at maki-pista! me konting naluto ako.
malapit na bakasyon sa amin, trip ko rin umuwi!!! waaahhhh
'te thanks sa dalaw ha? :)
tapos na bakasyon! Trapik na naman.....whew!
mas hawig sya ni george clooney. hurrah to hicks!
oh yeah, the start of school... mahihirapan na rin ako everytime i go to work. i usually pass by katipunan-c5 and those one-passenger-per car entering ateneo always creates a huge traffic!
sarap talaga umuwi! kaya uwi na.
mmy-lei,
may dagdag pa siyang kahawig,
si john leno raw sabi ni bestpolicy.
sarap ng handa mo sa piyesta.
kisses,
wow, neng, paramdam ka naman pag-uwi mo ha!
bing,
dami niya kahawig. pero bet ko na rin si Taylor Hicks noong elimination pa lang iba kasi ang forte niya.
pao,
naku, traffic nga diyan sa lugar na yan.
juana,
sa father side taga-Isabela (San Guillermo)
sa mother side taga-Quezon (Lucena)
lucerodelara,
may punto ka, may hawig nga rin siya kay leno.
Post a Comment