Tipikal na nakikita natin sa mga pelikula ang ganitong mga eksena, ang bida, pilit kumakawala sa kumunoy pero lalo siyang kinakain nito, ika nga sa Ingles, "the more you struggle to get out of it, the more it eat you up."
Pero alam n'yo ba kung paano makawawala sa kumunoy? Simple lang. Ayon sa mga eksperto, dapat na manatiling relax ang taong nahulog sa kumunoy, dahil ang quicksand (kumunoy) ay hindi buhay o nangangain ng tao tulad ng ating tipikal na nalalaman ukol dito. Binubuo ito ng mixture ng buhangin at tubig, wala itong kakayahang mahawakan ang bigat ng tao kaya ang tendency ay lumubog ang tao lalo na kung masyado itong magalaw dahil nagpa-panic.
Payo ng ekperto, kung sakaling mahulog ka sa kumunoy, subukan mong huwag gumalaw dahil kusang magpo-float ang katawan mo at maaari ka nang makatungo sa safe na lugar para makaahon nang maayos.
Para rin itong problema, pag nag-panic ka, hindi ka makakapag-isip nang maayos, lalo ka lamang kakainin ng problema mo, pero kung relaxed ka lang, makaiisip ka nang solusyon sa problema mo? Kuha mo?
Bakit ko naisulat ito? Wala lang, ini-a-apply ko lang ngayon sa sarili ko. Yun lang. Good day sa inyong lahat! Salamat nga pala kay J at C unang nag-comment nung picture pa lang ang naka-post.
12 comments:
makikipagkwentuhan ako marahil o di kaya bibigyan ko siya ng pala :)hang lufet naman ng larawan ang ganda ng ngipin niya :)
don't panic. enjoy the moment.
very much correct! ang kumunoy walang ginagawang masama yan. it would do no harm to us unless tayo ang gumawa ng dahilan para lalo taung lumubog..
galing..galing!
Ganda ng post mo. Sana nga ganyan lahat ang attitude ng tao sa problema.
Tendency kasi nauuna nga yung panic eh.
hehehe hahahahaha natawa ako tuloy sa nai komento ko pasensya na akala ko kasi nagbibiro yang nandyan sa larawan at akala ko natabunan siya ng lupa,,,kumonoy pala....
tama ka sang ayon ako sa lahat ng iyong tinuran :)
first reaction - panic/angry
ganyan ako dati until i learned how to cool down and give way, then think what's the best solution to deal with the current situation.
kaya ako stay na lang sa dagat! :D
honga,honga, i agree.
dapat relax lang sa buhay.
=)
tama... tama... dati hindi ako relax kaya laging mainitin ulo ko. ngayon lagi nakong nakangiti at parang lahat ay kaya.. hehe. mahirap ng malungkot baka magkasakit pa ko, mahal pa naman ang gamot.
hehehehe..
ngayon alam ko na kung anong gagawin pag nalaglag ako sa kumunoy.. :)
Ganda ng interpretation mo sa kumunoy.....nainspired ako.....
informative at inspirational...
parang ang hirap na hindi magpanic.
Post a Comment