Patungo na naman ang buhay ko sa dapit-hapon. Kinapos na ako ng diskarte, lahat na yata ng paraan nagawa ko na kaya tatanggapin ko na lamang ang hirap at pagkatalo sa pakikipaglaban. Unti-unti ko nang isinusuko ang prinsipyo na huwag hayaang magpagupo sa problema, pero may kaunti pang lakas na sumisipa at nagbibigay pag-asa kaya naman, eto at isusugal ko na.
Pero napagtanto ko, sa panahon pala na akala mo wala ka nang masasandigan, may nakaalalay pa rin sa iyo. Kaya naman natuwa ako sa isang pangyayari na bagamat alam kong hindi makapagbibigay agad ng solusyon sa aking hinaharap, makatutulong naman ito sa susunod na pakikibaka sa buhay. Kaya heto, tuloy ako sa pakikipaglaban kahit mahirap ang consequence na kaakibat nito.
oOo
At dahil balisa ako at hindi maganda ang mood ngayong linggong ito, may nangyaring hindi inaasahan sa isang pampublikong lugar.
Nakasakay ako sa bus (sa 3 seater sa tabi ng aisle ako pumuwesto kasi hippie-look ang lalaki na nasa tabi ng bintana.) Dahil pre-occupied ang lola n'yo, hindi ko alintana ang biyahe. May sumakay na babae at uupo sa tabi ko, since ayoko nga sa gitna, nag-give-way ako sa kanya. Pumasok ang babae at nagpatuloy ang aming biyahe.
Bumaba ang babae sa Tandang Sora, windang pa rin ang lola ninyo sa kaiisip ng kung anek-anek habang patuloy ang pagsakay ng mga pasahero sa bus. Isang babaeng matangkad sa akin (dahil petite ako), may kulay ang buhok, nakasuot ng mini skirt, may dalang bag at dalawang medium plastic bag na hindi naman puno ng laman ang nakatayo sa aking harapan.
Ang ginawa ko, nag-give-way ulit ako para makapasok siya at makaupo sa gitna. Hindi naman siya kumibo at sa halip ito ang ginawa sa inyong lola:
(pasigaw, mas malakas pa sa ingay ng makina ng bus)
.
Babae: Nakita mo na ngang nahihirapan ako, hindi ka pa umusog!
.
Ayoko siyang patulan dahil ayaw ko ng eskandalo at dagdag isipin, umusog na lang ako sa gitna. Pero tila demonyo yata siya na nang-aasar. Pabalagbag na umupo ang babae, ang kanyang balikat at bag, naka-overlap sa aking kanang braso, medyo natabig ko pa ang lalaking hippie dahil sa lakas ng impact nang umupo ang babae.
.
Hindi ko na napigilan ang sariling magkomento:
.
Ako: Sorry ha, hindi ko alam na hindi ka marunong mag-excuse.
Babae: Ang arte mo!
.
Tumahimik na lamang ako at pinigil ang sarili. Maari naman siyang umupo nang maayos dahil sa liit kong ito at hindi naman kalakihan ang hippie, kasya kaming tatlo at siguradong komportableng makakaupo ang babae. Ngunit ang klase ng kanyang pagkakaupo, pa-sideway at ang hita niya nakalabas sa may bahagi ng pintuan ng bus. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na paismid siyang tumitingin at parang nag-uusal ng kung ano. Nararamdaman ko rin ang bakal sa style ng kanyang bag na nakadiin sa aking kanang braso pero dinedma ko na lang. Hanggang sa pumara ang babae. Hindi sinasadya na ang bakal ng kanyang bag ay sumabit sa manggas ng uniporme ko at sa halip na mag-sorry ang babae, eto ang ginawa niya.
.
Babae: Nananadya ka ba? Ang arte mo talaga.
.
Patawarin ako ni Lord, pero hindi ko na kinaya ang ginagawa sa aking panliliit.
.
Ako: Kung hindi ka sanay sumakay ng bus, mag-taxi ka!
Babae: Hindi ka maganda noh!
Ako: Bakit? Maganda ka? Feeling mo, FEELING mo lang 'yun! Mukha kang hita.
.
Natawa ang ilang pasahero. Bumaba ang babae na inis na inis. Ang sabi naman sa akin ng lalaking katabi ko, sana hindi ko na lang daw pinatulan. Ang katwiran ko, mabuti na 'yung ipinamumukha sa isang tao kung ano talaga siya para matauhan at sa susunod alam na niya kung paano makikitungo sa kapwa tao niya.
.
Sa totoo lang, hindi ko akalain na nagawa ko yun sa isang pampublikong lugar. Hindi rin ako pinatulog ng pangyayari dahil alam kong may pagkakamali rin ako sa pagpatol sa babaeng yun.
Friday, May 05, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
pasensiyahan mo na lang din sarili mo ... ganyan naman talaga kung may ibang iniisip!
kalimutan mo na ang nangyari!
happy weekend :)
may mali sya, may mali ka rin!
para sa akin tama lang ang ginawa mo, minamaliit ka na, di ka pa ba a-arya? tinuruan mo lang sya ng leksyon!
...ang manatiling malusog, may trabaho, may anak at may mga kaibigan ay sobra-sobra nang biyaya ng Panginoon. May hihigit pa ba sa problema ng mga mamamayan sa Iraq at Bgy. Guinsaugon? Ang lahat ng bagay ay may katapusan--maging ito ay tagumpay o kabiguan!
kisses,
pilit ko nang kinakalimutan, pero maliit ang mundo, magku-krus ulit ang landas namin. sigurado yan. hehehe
mmy-lei,
i admit na talagang nagkamali rin ako pero may dulo ang walang hanggan. (naks, lalim)
kadyo,
hay naku, faffi KD, para siyang ant bully kaya kinagat ko na.
bistado,
lam ko naman yun. lahat ng problema ko sikolohikal lang. hayaan mo magre-relax muna ako.
(relax daw oh!)
saludo ako sayo... pero masyado kang nag-init. next time cool ka lang. Pikunin mo lang parang ganito oh,,, "eh bakit ka naninigaw? eh bakit mukha kang hita? bat ka apektadong panget at maarte ako?" nyahahahaha... medyo kaugali mo ate ko. hehe. pero tama din ginawa mo pero uulitin ko... cool lang.
Post a Comment