Nabasa ko, as of press time, na malapit nang mailagay ni Heracleo "Leo" Oracion ang bandila ng Pilipinas sa summit ng Mt. Everest. Inaasahan na ngayong hapon ng Miyerkules, nasa ituktok na ito ng pinakamataas (8,848 meters o 29,028 foot) na bundok sa buong mundo. Kasunod ni Oracion si Erwin "Pastor" Emata na sinasabing patungo na sa Camp 4 mula sa Camp 3 at inaasahan namang makarating sa peak bukas (Huwebes). Si Romi Garduce naman ang pumapangatlo sa nasabing ekspedisyon.
Wish ko lang na magtagumpay ang Pinoy sa kanilang layunin sa pag-akyat sa Mt. Everest, isa itong karangalan ng ating bansa.
Wednesday, May 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
ah sya pala ung nakikita ko sa commercial.. diko kc masyadong pansin dahil ala tlga akong hilig sa mga ganyan.. atchaka di ako mahilig sa commercial inip na inip ako...
buti pa sila NAPALAPIT SA LANGIT!!!
eh bat ganun.. ang dami na ngayong lumalabas na may mga pinoy na nakaakyat na ng Everest? tapos sasabihin nilang "hindi mahala kung sino ang nauna" e di dapat di nalang nila sinabi? ano yun? pasikat? wah... ang sama ko nanaman.
madadagdagan na naman pala ang mga maipagmamalaki natin!
TK,
Kung sa GMA 7 ka nanonood, si Romy Garduce ang madalas nilang ipakita dahil ito ang inisponsoran nila.
Kung sa Channel 2 naman, sina Emata at Oracion iyon, kasama ang First Philippine Mt. Everest Expedition Team.
cybertimes,
muntik nilang maabot ang langit
phoebe,
yun nga ang nakalulungkot. may isyung lumabas after na hindi si Oracion ang nauna kundi si Dale Abenojar na umakyat sa Everest sa may Northeast side nito. Ayon sa ulat, malapit lang ang trail dito patungo sa peak pero matarik ang trail at lubhang delikado.
Sina Oracion at Emata ay sa Southeast side ng Everest umakyat.
Kung anu't anuman, hindi na nga sana mahalaga kung sino ang nauna dahil bahagi silang lahat ng FPMEE Team.
Yun nga lang tulad din iyan ng Unang Pagtapak ng Tao sa Buwan kung saan si Neil Armstrong ang unang naaalala, gayong kasama rin nito sina Buzz Aldrin at Michael Collins sa naturang ekspedisyon.
racky neng,
oo, tunay na maipagmamalaki natin silang LAHAT!
oo nga.. lagi nalang may special mention at number ang mga nauuna. mas maganda kung 3. para i love you. ehehe.
pero gusto ko rin makaakyat ng Everest...
hi, malaya. sino ba sa tatlo ang umakyat for a cause? hindi naman sa kj ako, pero una, hindi na dapat pag usapan kung sino ang nauna di ba? pero ang dapat malaman e kung umakyat sila for a cause. kasi mas mararamdaman ng sambayanan yun. kung hindi puro prestige lang ito na pakikinabangan na naman ng mga pulitiko.
bing,
sa pagkakaalam ko, lahat sila
umakyat for a cause pero mayroon talagang rivalry between them esp. Garduce vs. Oracion-Emata
Si Garduce ang Pinoy mountaineer na nakaakyat sa ika-anim na pinakamataas na bundok sa mundo ang Mt. Cho-Oyu at naungusan nito sina Oracion at Emata na dating may hawak ng titulo (forgot ko what mountain ang inakyat nila).
***
Target talaga ng First Philippine Mount Everest Expedition Team na maakyat ang naturang bundok para sa karangalan ng Pilipinas at supposed to be 2007 pa ang ascend nila. Sina Oracion at Emata ay bahagi ng FPMEE at suportado sila ng Channel 2, etc.
Si Romy Garduce naman ay independent climber from UP Mountain club at Mountaineering Federation of the Philippines Inc (MFPI) at sinuportahan naman siya ng GMA-7.
Nang magtungo si Garduce sa Nepal noong March para sa kanyang attempt na maakyat ang Everest, nag-decide naman ang FPMEE na magkaroon ng reconaissance climb sa pangunguna nina Emata at Oracion.
Sa aking palagay, naging biktima lamang sina Oracion, Emata at Garduce ng tunggalian sa pagitan ng mga sponsors nila.
Mahirap ang kanilang ginawa dahil isinugal nila ang buhay nila, hindi ba?
Kahit na sabihing walang rivalry o network war, kitang-kita at damang-dama ito. Actually, doon mo rin nga malalaman kung sinong network ang fair at hindi.
Post a Comment