Ngayon ang Araw ng Paggawa pero heto ako sa opisina nakikibaka para sa pang-araw-araw na kabuhayan. Impit ang sigaw ng nakabusal na bibig...nakakubli pa rin ang nag-aalsang damdamin. Dinaraan na lamang sa bawat tipa ng daliri sa keyboard ang silakbo ng pagnanais ng maalwang pamumuhay.
Kung iisipin, hindi ako nag-iisa, lahat naman yata ng abang manggagawa ganito ang nadarama, ke nasa Pinas ka o nasa ibang bansa. Tanging baon sa bulsa, sipag, tiyaga, pasensiya at sandamakmak na pag-asa na makaaahon din sa dusa at makakamit ang katarungan sa tamang paggawa.
At dahil tatak na ng Pinoy ang pagiging matiisin, ang lahat ay talagang kakayanin nating bakahin anuman at gaano mang hirap ang sapitin. Kaya bilang pampalakas ng loob, narito't umaalingawngaw mula sa aking puso - Mabuhay ang manggagawang Pinoy!
Monday, May 01, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Parehas lang tayo kasama!
Padayon!
doble pay ba naman kaya???
Mabuhay ka Malaya!!!
Tipikal na ARAW NG PAGNGAWA!!!
mabuhay ang uring mangagawa!
mabuhay si malaya!
mabuhay ang manggagawa!
galing nman nito...
bkit me pasok ka? uy, double pay nga itu! hahahah
aus lang.ganyan talaga ang buhay. eenjoy mo na lng!
waaaaah! naerase ung comment ko..
ulet!
mabuhay ang pilipinong manggagawa!
mabuhay si malaya! galing galing naman nito....
bkit me pasok ka? hahah...amoy double pay nga itu!
ganyan talaga buhay. ienjoy mo na lang
sa tototo lang ngayong araw ko lang nabuksan yung blog ko na tagalog saka ngayon ko lang nabsa mga comments dun..sensya na super busy me masyado....hopefully sana next wk ay maganda ganda at makakapagbabad ako sa kompyuter,salamat sa palaging pagbisita.happy labor day God bless us :)
sis next wk ako bbcta d2 sa pwestop mo super busy me ngayon.:) God bless
masterbetong,
padayon!
neng,
double pay yun.
cybertimes,
sinabi mo pa.
melai,
mabuhay ka rin, dakilang ina!
lojik,
double pay, kailangan din ng pandagdag sa dahil sa mahal ng pamumuhay ngayon.
j,
hintayin kita.
ingat po lagi.
Post a Comment