nagalit ka sa mababaw na dahilan
bumuhos ang ulan sa ating pagitan.
naging manhid ako sa pagiging sensitibo mo
at ngayon kapwa nagmamatigas tayo.
kung hangggang kailan ito magtatagal
hindi ko alam, ngunit ako'y napapagal.
pero tandaan mo, nandito lang ako
bukas pa rin para sa iyo...kaibigan ko.
Monday, October 03, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
what magnanimity! ambait. :-)
sa lagay na yan, isa kang tunay na kaibigan...
mukhang alam mo ang tunay na kahulugan ng kaibigan.
kasi'y inuunawa mo siya kahit hindi ka niya nauunawaan;
inaalaala mo siya, kahit di ka man lang sumasagi sa kanyang isip.
kaibigan ka lang ba niya kapag may napapala siya sa iyo?
naiisip ka lang ba niya kapag nalulungkot siya?
nagte-text siya kapag may kailangan siya?
pero ikaw ay hindi.
basta, kaibigan mo siya
kahit ganyan siya!
korek ka dyan, wag na wag mo siyang iiwan--
ikaw lang ang nag-iisa niyang kaibigan.
kakaunti lang ang tulad mo, kaibigan.
lalo ka pang magpakabait pagpapalain ka :)
mas madalas, pinipilit kong maging mabuting kaibigan... hindi ako mapagtanim ng galit pero kapag naging traydor ang kaibigan, napakahirap itong kalimutan...
magandang araw, malaya!
i tagged you. sana ay ok lang sa yo.
Post a Comment