Monday, October 24, 2005

lumang mundo

Matagal kong ninais na makita ka.
Heto ka nga’t nakabilad sa ‘king mga mata.
Kinilig ako at talagang kinaba,
pero tanong ng isip ito’y tama ba?

Kagyat kong naramdaman ang kaligayahan
nang malaman ang iyong tunay na kalagayan.
Naramdamang takot ngayo’y naparam,
nawala rin maging aking mga agam-agam.

Dating landas na ating tinahak
maging ang prinsipyo na pilit binatak
ngayo’y magkaiba na at aking natitiyak
pati na ating munting pangarap at halakhak.

Magkagayunman, masaya ako
Nang mapagtanto ang kalooban mo.
Kung gaano ako kaespesyal sa’yo
sa mga panahong malayo tayo.

Ngayon batid kong imposible na ito.
Hindi na maibabalik ni mababago,
ang makulay na nakaraang nabuo
noong mga panahong masiphayo.

3 comments:

lws said...

eyyy sis palalim ng palalim 'tong tula mo...awwww gusto ko eto" Dating landas na ating tinahak
maging ang prinsipyo na pilit binatak
ngayo’y magkaiba na at aking natitiyak
pati na ating munting pangarap at halakhak." ang ganda-ganda ng saloobin mo d2 at akmang akma ang tittle -lumang mundo-....ang ganda wow wow wow!

Anonymous said...

j,

salamat, salamat, salamat, salamat at walang hanggang salamat po!

Wendy said...

Avesala...

Tila muling bumubukal sa iyong kaibuturan ang iyong nakaraan.

Ashnamon voi nazar!

Hahaha