di ka ba nagtataka kapag nalalagas
ang dahon sa tangkay
may umuusbong muling dahon
sa naturan ding lugar?
di ka ba nagtataka na kahit gaano
kakapal ang madilim na ulap
sa panahon ng tag-ulan ay lumiliwanag muli
upang bigyaan-daan ang sinag-araw?
di ka ba nagtataka sa sinag ng araw sa umaga
na unti-unting magliliyab nang todo sa katanghalian
pero dahan-daang lulubog sa Kanluran
upang muli sumungaw sa bukang liwayway?
Bakit kaya may itim at puti?
Bakit kaya may lalaki at babae?
Bakit may saya at pighati?
Iyan na mismo ang buhay!
Nasa kamatayan mismo ang pagsilang!
At nasa pagsilang ang mismong kamatayan!
mula ito sa isang kaibigan na walang sawang nagbibigay ng lakas ng loob sa isang pesimistang katulad ko (kaso matigas talaga ang ulo ko, hehehe).
Monday, September 26, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
maganda ang nilalaman ng iyong tula
salamat sa iyo, J!
kumusta, karen! maganda dito sa bahay mo. Pilipinong-pilipino. link din kita ha?
g'leng! ang gandang gawing inspirasyon ang tulang ito, karen!
Post a Comment