Friday, February 17, 2006

kalunus-lunos

Isa pang trahedya ang naganap ngayong Biyernes na kumitil sa buhay ng daang Pinoy sa St. Bernard, Southern Leyte. Hanggang ngayon, hindi pa naiaahon ang karamihan sa mga biktima na nabaon nang buhay dahil sa landslide.
Abala ang ilang pamilya sa kanilang pananghalian habang mayroon ding nagdiriwang ng kaarawan at may ginaganap na awarding ceremony ang samahan ng kababaihan sa nasabing lugar at mas nakalulungkot dito, maraming mag-aaral ang nasa eskuwelahan nang maganap ang trahedya at kasama sila sa natabunan ng lupa.

***
Gumanti na naman ang kalikasan, dahil maraming Pinoy ang matitigas ang ulo at tila hindi natuto sa nagdaang Ormoc tragedy noong 1991 kung saan libu-libong taga-Leyte rin ang nalibing nang buhay.

***
Tsk...tsk...tsk... talagang isang malaking sorpresa ang kamatayan!
Kaya dapat laging handa. Amen.

2 comments:

Loraine said...

let's pray for them...

lws said...

talagang nakaka surpresa ang kamatayan malupit ang pagkakataon.

tama ka dapat laging handa.amen.

ang tagal tagal tagal tagal tagal ko nang naka hiatus sis at malapit lapit na magsimana santa di pa ako nakakabalik :D tinatamad ako ewan ko ba.. iniisip ko nga next yr na lang kaya ako magba blog pag nai-set up ko ang concentration ko makakabalik ako ulit.salamat sa palaging pagdaan.nagbaba blog hop din me minsan pero madalang .

cge,God bless.

ipagdasal natin ang bawat damdamin ng mga naulila at nagdadalamhati.