Saturday, February 04, 2006

trahedya ng masa

Isang napakalaking trahedya na dulot ng kahirapan ang naganap ngayong umaga. Ginulantang ang bansa ng balita hinggil sa pagkasawi ng mahigit sa 70 katao - karamiha'y matatanda at bata at mahigit sa 200 katao ang naipit matapos magkaroon ng stampede sa Ultra.

Bakit sila naroon? Ngayong Sabado ang unang anibersaryo ng Wowowee, isang noontime show sa Channel 2 na nagbibigay ng saya at suwerte sa mga Pilipino. Karamihan sa natutulungan ng nasabing show ang mga kababayan nating lubos na nangangailangan. Bukod sa mga sponsor ng naturang show na nagbibigay ng papremyo, tumutulong din ang ilan nating kababayang OFW na nanonood ng nasabing programa sa pamamagitan ng pag-aambag ng kanilang konting makakaya para maipandagdag sa premyong ipagkakaloob sa mga kontestant o maging sa mga simpleng manonood lamang.
Dahil sa forte ng naturang show, marami sa ating mga kababayan ang nagbabakasakaling suwertehin at dahil na rin sa kahirapan ng buhay kaya marami sa ating kababayan ang nagtitiyaga sa pagpila makapasok lamang o maging kabahagi sa nasabing programa.
Balitang mamimigay ng isang milyong piso ang Wowowee bukod pa ang mga minor prices na maaaring makuha ng mga kontestant at manonood bilang pasasalamat na rin sa pagtangkilik sa kanilang programa ngunit sa isang iglap, naglaho ang tuwa at suwerte dahil napalitan ito ng hinagpis.

Ano ang nangyari?
Ilan sa mga kababayan natin ay matamang naghintay sa labas ng Ultra. Mayroong Biyernes pa lamang ng gabi ay naroon na, lalo na yaong galing pa sa mga probinsiya.
Ayon sa ilang saksi, nagkagulo sa pila ang mga tao at nakipag-unahan ang ilan kaya nagkaroon ng tulakan hanggang sa maipit sa gate ng Philsports arena.
Ayon naman sa iba, mayroong sumigaw na may bomba kaya nag-panic ang mga nakapila.
Ang iba naman ay nagko-complain dahil sa proseso ng pagbibigay ng ticket habang isinisisi naman ng iba sa mga guwardiya na nagbabantay sa ultra dahil sa pagmamatigas na buksan ang gate.

Anu't ano man ang dahilan, nakalulungkot na trahedya ang naging resulta.

Marahil may pagkukulang ang organizer ng show, pero may responsibilidad din ang mga taong nagtungo roon. Karamihan sa mga ito'y matatanda o mga magulang na may bitbit pang mga bata, bagay na dapat iwasan, pero may mga taong matitigas ang ulo.
Pero ang mas mahalaga, huwag na tayong magsisihan dahil TRAHEDYA ang naganap at walang sinuman ang may kagustuhan nito. Kilala TAYONG mga Pinoy sa bayanihan at sana'y makita natin ito sa ganitong sitwasyon.
Magsilbi na lamang sanang aral sa lahat ang nangyari at mamulat na rin sana ang mga GANID na OPISYAL ng GOBYERNO na nagkakamal ng LIMPAK-LIMPAK na SALAPI samantalang nagkukumahog naman ang mga MARALITA para magkaroon ng KAUNTING PANTAWID GUTOM sa araw-araw.

5 comments:

Mmy-Lei said...

nakakalungkot ang balitang ito, ngunit tama ka, wag na lamang sanang magsisihin pa sa nangyari.

Sana maantig ang Gobyerno sa mga pangyayari.

Anonymous said...

Tama ka at sang-ayon ako sa iyong sinasabi mo na sana mamulat na ang mga mata ng mga ganid nating opisyal at pulpol nating pulitiko.

Ganyan din ang aking naiisip at yan ang galit na nararamdaman ko noong makita ko kaninang madalaing araw sa ANC ang trahedyang ito.

Unknown said...

Grabe! such a tragedy.

Anonymous said...

^^^mamulat ang mga ganid na opisyal ng gobyerno?!!!^^^

kahit yata milyones pang mga kababayan ang mabiktima, di matitinag ang mga yan! magpakita man ng gilas sa 'pagtulong' mananatiling sariling kapakanan pa rin ang iintindihin ng mga ito.

di lang lungkot ang nadarama ko ngayon ...tsk!

masterbetong said...

i felt sorry for the victims.

biktima sila ng kahirapan, biktima ng paghahangad na mapanatili ang #1 spot sa nootime at ngayon biktima ng stampede.