Friday, June 23, 2006

one week na lang



Isang linggo na lang, kaarawan na ng aking si Ponks. Magli-limang taon na siya at kasalukuyang nasa Preparatory level. Nakakatuwa, kasi matured siya sa kanyang edad at minsan nagugulat na lang kami ni Jo sa mga sinasabi niya o sagot niya.
One time, tinanong ko kung ano'ng subject siya binigyan ng star ng kanyang titser. Ang sabi niya sa akin, sa Math.
Tinanong ko ulit siya kung ano'ng ginawa nila at nabigyan siya ng star, ang sabi niya, tinanong sila ni Teacher Girlie na, What is addition?
Sabi ko, ano'ng isinagot mo?
Walang kagatul-gatol na sinagot ni Ponks na, Addition is putting together 2 or more numbers.
Dahil nagulat ako sa sagot niya, pinaulit ko at inulit niya naman...walang labis, walang kulang.
Nakakatuwa talaga na mabilis siyang matuto, 'yun nga lang dahil bata hindi maiiwasan ang tantrums niya. At dahil bata pa rin ang edad niya, hinahayaan ko rin na ma-enjoy niya ang childhood niya.

13 comments:

Anonymous said...

ang galing kanino kaya ng magmana?

Anonymous said...

wow! matalino ang anak mo ha!
advance happy birthday sa kanya :)

Anonymous said...

hey wow, cute naman your little boy. kakainggit. :)

nixda said...

ej, katulad kong mahilig sa Math! ok yan :)

feel na yata natin na nagkakaedad na tayo nyan? hehehe

lapit na pala b-day ah, anong ihahanda ni mommy?

Wendy said...

Happy Birthday Ponks! Magaling sa Math, kay Malaya nagmana 'yan (HUH?!) Hahaha...

Anonymous said...

Wow! bright na bata. Great job in raising him...

Anonymous said...

juana,
siyempre sa 'ming dalawa ni daddy jo.

Anonymous said...

melai,
thank u. sana nga hanggang makatapos ng pag-aaral ganyan.

pao,
Cute ba, paglaki baka accute na. musta na kau ni hubby mo?

Anonymous said...

racky,
aba mahilig ka pala sa math.

Oo nga pero edad lang ang tumatanda sa akin, kasi hindi pa ko tumatangkad e. ahehehe

nag-iisip pa nga ako ng ihahanda kaya tiyak na ngarag ako sa preparation. pero meron nang cake!

Anonymous said...

wendy,
ano ka ba, sa basic lang ng math ako magaling. 1+1=2 o, 'di ba?
ahehehe

agring,
siya na ang pinakamalaking challenge ko sa buhay, pati daddy niya.

Anonymous said...

ako rin! i love math!!

galing naman ng sagot ng anak mo! imagine magfafive pa lang siya. aus ah?

kanino nagmana?

Anonymous said...

Happy Bdae Poinks...

Jollibee! Jollibee!!

Anonymous said...

enjoy your kid and let him enjoy! mukha siyang matalinong bata..