Friday, June 09, 2006

maligayang pagbati

Anibersaryo sa kasal ng aking ama't ina ngayon.
Aking napagtanto, marami na rin silang pinagdaanan sa mga lumipas na panahon. Naroong naghiwalay sila nang halos apat na taon, pitong taon pa lamang ako noon, pero kasabay ng pagtatapos ko ng elementarya, nagbunga ng isang anak na lalaki ang kanilang pagbabalikan. Sabi nila, suwerte raw sa pamilya ang tatlong babae at isang lalaki ang anak.
Pero ngayon, para pa rin silang aso't pusa. Hindi sila compatible pero nakakatagal sila sa isa't isa. Kapag napagkukuwentuhan na namin silang magkakapatid, natatawa na lang kami at napapailing. Nasanay na kami sa kanilang kilos, gawi at kanya-kanyang paniniwala na madalas magkataliwas pero napag-uugnay pa rin sa bandang dulo.
At least, nakakatuwa pa ring isipin na nagdiriwang pa sila ng kanilang ika-27 taon ng pag-iisang dibdib. Happy Anniversary!

5 comments:

racky said...

Happy Anniversary sa parents mo!

> sExYbiTcHy VaNnY said...

maligayang anibersaryo sa iyong ama at ina.. :)

kakatuwa.. hihihi.

wag kang mag alala, ganyan din cla mommy at daddy, mga aso't pusa.. kaya pati mga anak nila, namana ang kanilang pagiging aso't pusa. wahehehe.

KaDyo said...

happy anniversary sa iyong mga magulang

jairam said...

Happy Anniv sa parents mo. Galing nila!

malaya said...

neng,vanny, KD, jairam

SALAMAT PO!