Thursday, January 26, 2006

nakakatawa pero totoo

Hindi ko alam kung katangahang matatawag ito. Natatawa na lang ako sa sarili ko kapag naiisip ko ang nangyari kaninang umaga.
Naka-office uniform na ako at habang nasa kuwarto, siniguro ko munang wala akong naiwang appliance na naka-switch at nang matiyak kong okey na lumabas ako at ini-lock ang pintuan ng silid.
Nanlumo na lang ako nang ma-realize na nasa loob pala ng cabinet ang bag ko. O my gulay! Hindi ko na mabubuksan ang pinto dahil nasa loob ng bag ko ang susi at lahat ng mga importanteng bagay na lagi kong dala sa araw-araw.
Buti na lang nasa baba ng bahay ang cellphone ko at suklay, mas lalo kong ipinagpasalamat na nailagay ko sa bulsa ang sukli sa binili kong tinapay sa agahan kaya may pamasahe naman ako.
Ang masaklap, nabasa ako ng ulan kasi nasa bag ko rin ang aking payong at nagkukubli din ako ngayon sa isang sulok ng opisina dahil wala akong ID.
Ayun, hay buhay!

7 comments:

cybertimes said...

ano ba yannn?
Hindi naman katangahan yan, hija.
Excited ka lang na makita si Pacquiao, he, he, he....

velvet said...

hala!

wala kng kasalanan kung hindi sumigaw ang bag mo nasa loob p sya at maiiwanan mo. :D

Wendy said...

Tsk... sayang wala ako kahapon, 'di kita nakitang pumasok na walang dala ng kahit ano... Pinatawa mo na naman sana ako.

hahaha... MEMORY GAP?!

Joke.... peace!

Anonymous said...

ayayay...ano ba yan?! i know how you feel. i posted something like this recently. naisara ko yung pinto ng kotse ko kasi magba-brush off ako ng snow, eh nai-lock ko pala yung pinto ng kotse. ngek! hahaha

anyways, hope you have a wonderful weekend *smile*

bing said...

wala ka sa kaklase ko nung college, pumasok ng naka-rollers pa ang buhok at walang bra (this happened to me, too).

di kaya in-love ka? he he

pag dumadating na sa edad, understandable naman. pero kung bata ka pa, me dahilan, am sure! he he

Ladynred said...

Baka inlove ka nga eh!
Anyway, tapos na yong assignment na pinapagawa mo. Sorry hindi ko nagawa kaagad. Have a great week.

Anonymous said...

ctimes,
di ko type si Pacquiao! hehehehe
yung laging nasa likod niya si jake hocson ba yun. yun ang panalo hehehehe

velvet,
oo nga kasalanan yun nung bag ko.
(isisi ba? hehehe)

wendy,
yun nga ang una kong naisip: BUTI WALA SI WENDY! NYAHAHAHAHA

des,
haay, ganyan talaga siguro ang buhay.

bing,
batang matanda po ako. hindi ko pa naman nararanasang pumasok nang walang undies, hehehe at ayoko maranasan yun. waaahhh

agring,
araw-araw naman akong inlab
aysus, ayan nabuko ako.
anywey hiway, salamat sa sagot sa tag.