malawak ang aking mundo
pero peligroso ito
mahirap kumibo
kailangan kang alisto.
alam ko marami kami rito
pero ako lang ang nakikita ko
sa malawak kong mundo
na pulos panaghoy ng anino.
paano ba makawala rito?
sa mundo kong sobrang tuso
isang sentimetrong maling kibo
dalawang dipang lubog ako.
dapat pag-isipan nang makapito
makawalo, makasiyam, makasampo
upang sa kumunoy na ito
tuluyang makawala na ako.
Thursday, September 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Sadyang malawak ang ating kanya-kanyang mundo... kung tutuusin, 'di pa natin ito nalilibot.
May parte na puno ng saya at kulay ngunit 'di rin lingid sa ating kaalaman na may bahagi ito na sadyang maulan... mapagsubok.
Minsan, sadyang may hamon na tila 'di patas, ngunit kung iyong gugunamin, malalaman mong kung 'di mo ito mararanasan, ‘di mo malalaman o higit pang makikilala ang iyong potensiyal o kakayahan na kaya mo palang malampasan ang mga ganitong hamon.
kung wala ang mga ganitong sitwasyon, maganda man o masama... mahahalintulad nga ang buhay sa isang magandang daan, patag... ngunit wala rin namang buhay at kulay.
Mahirap kumawala sa mundo na sa'yo ay bumabalot... sadya kang may kakayahang makipaglaro sa hain nitong hamon... sumabay ka lang at 'wag patatangay sa bagay na sa'yo ay lumilinlang lang.
AY MALI, CORRECTED VERSION
minsan kung sino ang umiiwas sa kumunoy, siya pa ang napapahamak.
Pero yung matapang na kumikilos dito, sorpresa siyang nakakaligtas?
Alam mo ba ang kuwento ng 2 palaka na nag-akalang NAHULOG SILA SA KUMUNOY?
Nahulog kasi sa loob ng isang timbang gatas sina Palakang Malaki at Palakang Maliit.
PALAKANG MALAKI: Kaibigang Palakang Maliit, wala na tayong ligtas dito, kumunoy ang ating kinabagsakan.
PALAKANG MALIIT: Nakuhh, kay hina naman ng loob mo, kaibigang Palakang Malaki--habang may buhay, may pag-asa; kumilos ka at ituloy mo lamang ang paglangoy, hala, languy, languy, languyyyy!
PALAKANG MALAKI: Talagang nangangawit nako, imposible tayong makaligtas dito, wala na akong nakikitang pag-asa na mabubuhay pa tayo, nangangawit na ang mga paa at kamay ko...
PALAKANG MALIIT: Kapag tumigil ka, iyan na ang katapusan mo, tinanggap mo na ang kabiguan, tinanggap mo na si Kamatayan, lumangoy ka nang lumangoy, hangga't may hininga ka....basta ako'y lalangoy nang lalangoy, languyyy, languyyyy!
(Tumigil na si Palakang Malaki sa paglangoy at napailalim na siya sa isang timbang gatas at tuluyang nalunod pero nagpatuloy si Palakang Maliit sa paglanguy).
PALAKANG MALIIT: Tumigil na siya, kapag tumigil ako, ganyan din ang kauuwian ko, madededbol, basta't lalangoy lang ako.
(Hindi kaginsa-ginsa'y nakatapak nang matigas na bagay si Palakang Maliit, pero hindi naman ito ang bangkay ni Palakang Malaki).
PALAKANG MALIIT: Huhh, ano itong matigas na bagay na ito? Huhhh, tumitigas na ang paligid, tumitigas naaaaaa.
( Tumuntong si Palakang Maliit sa matigas na bagay na mula sa GATAS NA NAGING KESO--at tumalon siya mula sa TIMBA--at nakaligtas!).
salamat ng marami mga igan!
makata ka pala! how i wish i can write poems... kaso, di ipinagkaloob ang talent... hehehe. you can download shaider's mp3 here... http://nurseconnection.tripod.com/id1.html nasa sidebar nya yung mga links ;)
hi! thanks for droppin by my blog :)
Post a Comment