Friday, December 16, 2005

panata

Sinimulan na ang tradisyunal na Simbang Gabi tanda na papalapit na araw ng Pasko. Bilang simula sa aking hangad na pagbabago, sinikap kong dumalo sa unang Misa de Gallo at sisikapin ding mabuo ito hanggang sa ika-siyam na araw – pagpatak ng mismong araw ng Pasko.
Medyo kakaiba nga lang tulad ng nakagawian ko na 4:00 ng madaling-araw ang misang aking dinadaluhan, dahil 8:00 ng gabi ito sinimulan sa Sto. Domingo Church. Dahil malapit din lamang sa opisina, dito na ako tumuloy at sana nga makumpleto ko ang panata.
Kung sumablay man siguro ako rito sa Sto. Domingo, puwede pa rin sa madaling-araw, dahil malapit lang naman ang bahay namin sa isang malaking simbahan sa Novaliches.
Ewan ko na lang ‘pag sumablay pa ako, talagang husto na ang katamaran ko kung gayon at parang nakakaawa na ang ispiritwalidad ko. Pero siyempre, pagbubutihin ko dahil ako ang nagnanais ng pagbabago. Wala man akong matanggap o maibigay na regalo sa sarili ko, malaking bagay na siguro na napag-ibayo ko ang pakikipag-ugnayan kay Lord. Sana nga tuluy-tuloy na ito para mas makabuluhan ang aking Pasko.

6 comments:

velvet said...

howdy!!! gudluck!

bing said...

hello, malaya. tama lang na tawaging Simbang Gabi ang dinadaluhan mo. Ang Misa de Gallo kasi ay yung madaling araw, gallo meaning morning (if i remember it right).

Flex J! said...

Hello ! Merry Christmas Karen!!

nixda said...

sama mo na lang ako sa dasal mo! nakaka-miss nga iyang simbang gabi...

Maligayang Pasko sa iyo Karen, nawa'y makamit mo ang kahilingan, di para sa iyo kundi para sa mga mahal mo sa buhay.

Anonymous said...

velvet, bing, flex j, neng,
salamat, salamat. kasama kayo sa aking panalangin!
Meri X'mas!

Loraine said...

kaya mo po yan.. :)