Wednesday, March 18, 2009

Kawawang Pinay

Onli in da Pilipins talaga. Ang rape victim noon, nagre-retract na ngayon. Nakakadismaya. Oh well, wala man akong pakialam kay Nicole dahil sariling desisyon niya ang ginawang pagbaklas sa kasong rape vs Lance Corporal Daniel Smith, pero ganu'n na lang ba 'yun?
Matapos mabulabog ang buong Pinas sa kaso niya noong 2005 at halos mapatid ang boses ng mga kababaihan sa pagkondena sa nangyari sa kanya sa kamay ng mga sundalong Kano, bigla na lang niyang sasabihin ngayon na hindi siya siguradong rape ang nangyari sa kanila? Huh!
Eniweys, masuwerte siya dahil ang abogado niyang si Atty. Evalyn Ursua at ang grupong Gabriela still gives her the benefit of the doubt.
Kunsabagay, wala tayo sa sapatos ni Nicole, maaaring na-pressure siya (o napresyuhan?) at tulad ng sinasabi, maaaring biktima na naman siya ng kanyang katangahan (sorry to say) o ng bulok na sistemang umiiral sa bansa.

4 comments:

Anonymous said...

they say we are not to judge but then again what she did affected us, Filipinos, especially the women.

gusto kong maniwala na meron siyang katiting na rason. maaaring hostage din sya ng isang sitwasyong di natin alam. kaya lamang nakakalungkot na sinimulan niya ang isang labang di naman nya kayang panindigan.

Anonymous said...

Kumusta na, Ms Bing? Oo nga, nakakainis lang talaga at insulto sa kababaihan ang nangyari. Harinawa maliwanagan ang isip niya at gabayan siya ng Diyos sa kanyang mga desisyon.

Jules said...

uy kamusta na? hehe. :D nag iba na pla ang blog ko. :) www.soloden.com na. :) paki update nalang.

bakit di ka na ata nag ba blog? ingat lagi!

julius

kimmy said...

ang totoo hindi na ko nabigla sa naging desisyon nya, expected ko na, hehehe... kakalungkot lang talaga saka medyo nakakainis..