Friday, November 02, 2007

Babay na

Umalis na ang kapatid kong si Karla upang makipagsapalaran sa Dubai. Hindi kami naging ganu'n kalapit pero hindi rin naman kami parang hindi magkapatid ang turingan 'di lang kasi kami namuhay magkakasama tulad ng iba ko pang mga kapatid.
Bukod tanging ako lamang na panganay ang lumaki kapiling ng aking mga lolo't lola sa Quezon. Mahabang istorya kung ilalathala ko pa.
Si Karla sy esponghado, isang deskripsiyon na kung lalapatan ng kahulugan ng mga Pinoy, matigas daw ang ulo dahil may pagkakulot.
Tanda ko pa noong maliit pa kami, lahat ng gusto niya nakukuha niya - kesehodang maglupasay pa siya sa sahig ng SM Cubao noon kasabay ng walang humpay na pag-iyak dahil nais niya ang isang laruan.
Isa pang nais niya noon ay ang aking alkansiyang de-susi na binili rin namin ng aking ina sa SM pero nu'ng makita na ni Kukay (palayaw ni Karla) ay hindi na rin tinigilan ang pag-iyak dahil gusto nga niya ang naturang bagay. At dahil madali naman akong pakiusapan ng aming ina, nakuha ni Kukay ang alkansiya.
Tanda ko rin kapag inaaway siya ng aming kalaro, ako ang umiiyak at hindi siya. Terible, hindi ba? Ewan ko, ayoko lang inaaway ng iba ang kapatid ko at ako ang nakikipag-away para ipagtanggol siya.
Ilan lang yan sa mga alaala nu'ng magkasama pa kami nu'ng kabataan namin. halos sampung taon mahigit din kaming magkahiwalay.Gayunman, natutuwa naman ako na lumaki siyang independent at responsable. At ngayon nga, magkahiwalay na naman kami, mas malayo nga lamang ngayon dahil nasa ibang bansa na siya.
Harinawa, maging maayos at matagumpay ang kanyang pakikipagsapalaran sa ibang lupain. Kasihan nawa siya lagi ng Poong Maykapal.

3 comments:

Anonymous said...

asan na award ko waaaaahhh...

ohhh nawa'y maging successful ang kapatid... at hindi sana ma-home sick

Anonymous said...

parang ang lungkot naman ng istorya nyong magkapatid :(

Anonymous said...

yeah right...sana wag ako ma homesick...keng wala namang bukingan...hahaha! See you soon...Godbless and stay safe!!!