Monday, February 05, 2007

late ka na naman?

Cliche na sa akin ang salitang 'yan. Hindi naman dahil sa almost everyday akong late sa office (eh, ano pa ba itatawag ko dun?) kundi marami akong late ngayon...as in.

Kung kailan ko naman sana o-offer-an ang aking boss na bigyan na ako ng day-off - dahil nasa transition period ako, eh, bigla na lang siyang nagbaba ng memo at sinuspinde ang day-off ng iba kong officemates ('di vah, Wendy?). So, hindi na ako nakahirit, pero minsan ko nang sinubukan kaso nasopla rin ako kaya hindi na rin nagpumilit ang isa pa naming officemate na si Faye na magpaalam um-absent.

Ang resulta... lately, lagi akong late (umm mga 1 hour and 45 minutes ang pinakamatagal). Dahil dito, hindi ko rin ini-expect na full monitoring ang ginagawa ng aming management kaya one night after ng press work, ipinatawag ako ng aming bossing kaharap ang aming GM. Since knows ko naman what possible topic ang aming pag-uusapan, eh, go na lang ako at parang isang grade schooler na nagsasabi nang "I promise not to be late anymore" 100 times sa harap ng teacher at guidance counselor. Wehehehe.

Alam kong maaaring mag-reflect ito sa 201 file. Alam ko rin na mababaw at hindi dapat idahilan ang mga gawaing-bahay kaya ka nahuhuli sa pagpasok sa trabaho, pero hindi ba dapat ding isipin ng employers na kailangan din ng quality time para sa pamilya at sarili ng kanilang mga empleyado? Paano ka pa magiging efficient kung pagod na pagod ka na? Kung ang kalabaw nga nagpapahinga rin matapos ang maghapong gawain sa bukid...kami pa kayang tao lang?

6 comments:

Anonymous said...

Curious tuloy ako kung ano work nyo ni Wendy at bakit parang pagod talaga kayo. Sya rin yata wala na day off.

Anonymous said...

korek ka dyan! batterya nga nauubusan ng energy at kailangan irecharge at pati housewife may day off din kahit walang sweldo.

Anonymous said...

Mare, just like what I told Wendy, 7 working day in a week for 4 years is just too much! Susme! Malalanta talaga kayong 2 nyan! Buti ikaw at may papa't anak na. Paano naman ang byuti ni Wendy gurl? Malalanta nang wala pang nakakalanta?? Hehehee... Asan na ba si Wendy at maasar nga!

Kailangan mo naman talaga ng quality time sa family mo. Lumalaki na si Pong. Hirap ng lagi kang nasa work, mare! Sabihin niyo naman sa senado niyo dyan na bigyan naman kayo ng day-off! Susme, ang mga kasambahay nga may day-off eh kayo wala!

Gusto niyo na bang magtayo ng picket dyan sa may gate niyo?? Sabihin niyo lang! Heheheh

Anonymous said...

ano? sinuspinde ang day-off ninyo? parang hindi makatao yan...

Anonymous said...

bakit naman 7 days kayong nagtatrabaho? mali naman. me dahilan nga, para sa akin, ang 'chronic' work attitude mo he he but am not saying ok lang yan. it becomes a habit na rin, at na dedevelop yan. minimize is the word.

mustamos?

Anonymous said...

para sa kalayaan ng bayan... ibalik ang day off ibalik ibalik...