Saturday, December 22, 2007

Sobrang pambabastos na to!

Nakakainis lang ang mga taong walang magawa. Hindi na lang manahimik...gagawa pa ng eksena tulad na lang nito, pati walang kalaban-laban na "Nativity scene" pinagdiskitahan ng mga taong walang isip at respeto sa katawan. Hmp.

Friday, November 02, 2007

Babay na

Umalis na ang kapatid kong si Karla upang makipagsapalaran sa Dubai. Hindi kami naging ganu'n kalapit pero hindi rin naman kami parang hindi magkapatid ang turingan 'di lang kasi kami namuhay magkakasama tulad ng iba ko pang mga kapatid.
Bukod tanging ako lamang na panganay ang lumaki kapiling ng aking mga lolo't lola sa Quezon. Mahabang istorya kung ilalathala ko pa.
Si Karla sy esponghado, isang deskripsiyon na kung lalapatan ng kahulugan ng mga Pinoy, matigas daw ang ulo dahil may pagkakulot.
Tanda ko pa noong maliit pa kami, lahat ng gusto niya nakukuha niya - kesehodang maglupasay pa siya sa sahig ng SM Cubao noon kasabay ng walang humpay na pag-iyak dahil nais niya ang isang laruan.
Isa pang nais niya noon ay ang aking alkansiyang de-susi na binili rin namin ng aking ina sa SM pero nu'ng makita na ni Kukay (palayaw ni Karla) ay hindi na rin tinigilan ang pag-iyak dahil gusto nga niya ang naturang bagay. At dahil madali naman akong pakiusapan ng aming ina, nakuha ni Kukay ang alkansiya.
Tanda ko rin kapag inaaway siya ng aming kalaro, ako ang umiiyak at hindi siya. Terible, hindi ba? Ewan ko, ayoko lang inaaway ng iba ang kapatid ko at ako ang nakikipag-away para ipagtanggol siya.
Ilan lang yan sa mga alaala nu'ng magkasama pa kami nu'ng kabataan namin. halos sampung taon mahigit din kaming magkahiwalay.Gayunman, natutuwa naman ako na lumaki siyang independent at responsable. At ngayon nga, magkahiwalay na naman kami, mas malayo nga lamang ngayon dahil nasa ibang bansa na siya.
Harinawa, maging maayos at matagumpay ang kanyang pakikipagsapalaran sa ibang lupain. Kasihan nawa siya lagi ng Poong Maykapal.

Tuesday, September 18, 2007

Kumusta?

Tagal ko ring hindi nakapag-update dito dahil muli akong inampon ni Ate Melai.
Marami rin ang nangyari, at mabuti na lamang yung nawalang site ko kay Ate Melai, nandoon lahat ng negative thoughts. Siguro, blessing in disguise na rin na hindi ko na na-retrieve ang mga post ko roon kasi hindi magandang alaala lang ang nilalaman nu'n. (although sabi ni Ate Melai, puwede pa niyang ibigay sa akin ang content nung dating Malaya.
Balak kong buhayin muli ang site kong ito, pati yung unang-una kong blog. Kailangan ko lang nang kaunti pang panahon para mapagtagumpayan ang balaking ito.
Hanggang sa muli, aking mga kaibigan...maaari ninyo akong dalawin dito habang hindi ko pa naaayos ang bahay na ito.

Friday, February 23, 2007

pa-update na lang

Balik na ulit ako sa bahay ni Ate Nalen
bisitahin n'yo ako DITO ha!
Hihintayin ko kayo!

Tuesday, February 13, 2007

Monday, February 05, 2007

late ka na naman?

Cliche na sa akin ang salitang 'yan. Hindi naman dahil sa almost everyday akong late sa office (eh, ano pa ba itatawag ko dun?) kundi marami akong late ngayon...as in.

Kung kailan ko naman sana o-offer-an ang aking boss na bigyan na ako ng day-off - dahil nasa transition period ako, eh, bigla na lang siyang nagbaba ng memo at sinuspinde ang day-off ng iba kong officemates ('di vah, Wendy?). So, hindi na ako nakahirit, pero minsan ko nang sinubukan kaso nasopla rin ako kaya hindi na rin nagpumilit ang isa pa naming officemate na si Faye na magpaalam um-absent.

Ang resulta... lately, lagi akong late (umm mga 1 hour and 45 minutes ang pinakamatagal). Dahil dito, hindi ko rin ini-expect na full monitoring ang ginagawa ng aming management kaya one night after ng press work, ipinatawag ako ng aming bossing kaharap ang aming GM. Since knows ko naman what possible topic ang aming pag-uusapan, eh, go na lang ako at parang isang grade schooler na nagsasabi nang "I promise not to be late anymore" 100 times sa harap ng teacher at guidance counselor. Wehehehe.

Alam kong maaaring mag-reflect ito sa 201 file. Alam ko rin na mababaw at hindi dapat idahilan ang mga gawaing-bahay kaya ka nahuhuli sa pagpasok sa trabaho, pero hindi ba dapat ding isipin ng employers na kailangan din ng quality time para sa pamilya at sarili ng kanilang mga empleyado? Paano ka pa magiging efficient kung pagod na pagod ka na? Kung ang kalabaw nga nagpapahinga rin matapos ang maghapong gawain sa bukid...kami pa kayang tao lang?

Saturday, January 27, 2007

balik-blogging

Kumusta, Kumusta, Kumusta! Sobrang na-miss ko ang blog world at ang mga blogistas!

Pansamantala muna akong maluluklok dito sa dati kong blog, dahil nagkaroon ng problema sa manilenya.com ng butihing si Ate Nalen (Ate Melai).

Actually, hindi pa ako makabalik nang husto sa blogging kasi medyo marami pang responsibilidad na inaasikaso at problema ko itong mabagal kong PC, pero sisikapin kong makapag-update kahit tinatawanan na ako ng officemates ko kasi ako lang ang hindi makapasok sa blogger, hmp.(Eto na sa wakas ang update ko! harharhar!)

Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito na pasalamatan kayong lahat na nagtitiyagang dumalaw dito. Sisilip na lang ako sa inyong mga lungga!