Tuesday, July 18, 2006

kandila



Liwanag mo ang nagbigay-kulay
Tinuruan mong magnilay
Ang isip at pusong pasaway.
Ang init mo ang nagbigay-buhay
Sa damdaming nakahimlay
at kaluluwang hahapay-hapay.
Kandila ng aking buhay
huwag ka sanang tumamlay.

16 comments:

Flex J! said...

Tamang-tama ito para sa brown out! hehe...

KANDILA
Liwanag nyang taglay....
ay kailangang tunay,
upang magsilbing gabay,
sa ating mahiwagang buhay!

Malayang araw sa iyo!!

Anonymous said...

wag naman sanang hipan ng hangin ang kandila mo...

habang may kandila... may pag-asa

Mmy-Lei said...

aking sinta,
ang liwanag na dala
ay nagbibigay buhay sa
sandaling ligaya.

pero bakit kailangan iwan
ang ningning ng kasikatan
bakit di ibigay magpailanman
ang buong kaliwanagan.

malupet ka aking kandila
baket pa ako magtyatyaga
sa panandaliang liwanag
nandiyan naman si ka-MERALCO.

Anonymous said...

flex j,
oo nga, tamang-tama pag madilim ang bahay at buhay.

Anonymous said...

Kadyo,
salamat po.

Anonymous said...

kneeko,

sana nga malampasan ng kandila ko ang mga dumarating na bagyo ngayon.

'di bale, matunaw man ang kandila, maaari pa rin itong ihulma para muling makapagbigay-init at liwanag.

Anonymous said...

mmy-lei,

klap, klap, klap!
galeng ng idinugtong mo mmy-lei, ah.
pero nagba-brownout din ang Meralco or worst, blackout tulad ng kandila.
***
kumusta ang diet? shake it, mmy-lei!

JM said...

thumbs up sa tula mo!

huwag iwanang nakasindi ang kandila at sunog ang dulot nito.

Anonymous said...

ang buhay nga'y parang isang kandila. nasa may-ari kung paano niya paniningningin ang ilaw na nagmumula sa munting apoy nito.

nice candle. ;)

nixda said...

dapat may reserba ka :)

Anonymous said...

wow.. ganda naman ng tula.. :)

cybertimes said...

heppp, ingatan mo kandila.
Baka mag-away ang aso, pusa't daga--mabundol.
Baka pagsimulan ng SUNOG!
Binabantayan ang kandila kapag may sindi ito--hindi ka dapat natutulog nang mahimbing....!

Anonymous said...

juana,

okey lang kahit matusta ako. ahehehe

pao,
gusto ko ngang paningningin kaso hindi ko matantiya ang ihip ng hangin.

Anonymous said...

racky neng,

unfair naman yun sa kandila ko.
ahehehe, pero sige pag-iisipan ko.

Anonymous said...

karmi,

salamat po.

ctimes,
hindi nga ako makatulog kakabantay. ahehehe

Anonymous said...

nice poem! :D