Saturday, August 27, 2005

muni-muni

minsan mas gusto ko pa ang may problema dahil nasusukat ko ang aking kakayahan.
pero hindi lamang ito ang dahilan. kapag problemado kasi ako mas malapit ako sa KANYA.
alam ko na mali ang paraang ito at dapat kong baguhin. ngunit mas ramdam ko ang KANYANG presensiya sa sandaling nagugulumihanan ako at sa isang iglap para na naman akong bata sa KANYANG piling...nagsusumbong, nagsusumamo at nag-aamot ng pagmamahal, pang-unawa at kapatawaran.
hindi ko ibig sabihin na kapag maalwan ang aking pakiramdam, hindi ko SIYA naaalala. minsan kasi nahihiya ako sa KANYA, magkagayunman, hindi ko nakalilimutan usalin ang salitang pasasalamat sa lahat ng ibinibigat NIYA sa akin.
hindi ko alam kung anong lebel na ba ang aming komunikasyon, pero masasabi ko na unti-unti na muli akong nakababawi sa halos ilang taon kong pagkukulang sa KANYA. dahil dito, masaya ako anuman ang dumating sa akin dahil alam kong ni minsan hindi NIYA ako pinababayaan.

1 comment:

bistado said...

Marami ang nag-aakala na nakahiwalay SIYA sa kanyang nilikha, kasi'y naligaw ang mga sinaunang relihiyoso.Sa aktuwal hindi SIYA kailanman "nalalayo" sa puso, isip at kaluluwa" ng Kanyan nilikha--kahit hindi ka magsalita at mag-isip, nararamdaman niya ang iyong emosyon--dahil KAYONG DALAWA ay IISA! Kapag nalungkot ka, Siya ang nalulumbay, kapag nagsaya ka, Siya'y liligaya, kapag niloko mo ang sarili mo, niliko mo SIYA, kapag namuhi ka, siya ang kinamuhian mo, kapag NAGMAHAL ka, SIYA ang minahal mo---kapag nagdasal ka, sarili ang kinausap mo--SIYA at IKAW ay laging magkasama. Kapag nadapa ka, nadapa rin siya, INGATAN mo ang sarili mo at iingatan ka niya...kapag minahal mo ang sarili mo, SIYA RIN ANG INIBIG mo!