Onli in da Pilipins talaga. Ang rape victim noon, nagre-retract na ngayon. Nakakadismaya. Oh well, wala man akong pakialam kay Nicole dahil sariling desisyon niya ang ginawang pagbaklas sa kasong rape vs Lance Corporal Daniel Smith, pero ganu'n na lang ba 'yun?
Matapos mabulabog ang buong Pinas sa kaso niya noong 2005 at halos mapatid ang boses ng mga kababaihan sa pagkondena sa nangyari sa kanya sa kamay ng mga sundalong Kano, bigla na lang niyang sasabihin ngayon na hindi siya siguradong rape ang nangyari sa kanila? Huh!
Eniweys, masuwerte siya dahil ang abogado niyang si Atty. Evalyn Ursua at ang grupong Gabriela still gives her the benefit of the doubt.
Kunsabagay, wala tayo sa sapatos ni Nicole, maaaring na-pressure siya (o napresyuhan?) at tulad ng sinasabi, maaaring biktima na naman siya ng kanyang katangahan (sorry to say) o ng bulok na sistemang umiiral sa bansa.
Wednesday, March 18, 2009
Tuesday, March 10, 2009
Ang Pagbabalik
Nobyembre 2, 2007 nang umalis ang kapatid ko upang makipagsapalaran sa ibang bansa at ngayon ay Marso 10, 2009, mamaya lamang 10:30 ng gabi, nakatakda na siyang tumuntong muli sa Pilipinas.
Ang bilis ng panahon ano? Sa loob ng halos isa't kalahating taon marami nang nangyari. Nakapagtrabaho na sa ibang bansa si Kukay, si Kat-Kat naman, tapos na sa kolehiyo at isa nang ganap na lisensiyadong nurse. Si Kevin na lang ang nag-aaral sa kolehiyo at hopefully... eh makapagtapos nang maayos.
Ako? Eto magdadalawa na ang anak ko. Hehehe.

Saturday, January 12, 2008
Pagbabago
Bagong Taon na - 2008, marami akong gustong mabago sa buhay ko o sa tamang sa lita ang ibig kong sabihin ay pag-ibayuhin. Paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari, parang nakulong ako sa isang kahon at tuluyan nang nasupot.
Kailangan makuha ko naman yung mga gusto ko ngayong taon na ito, sarili ko naman ang iisipin ko at hahayaan ko na muna ang ibang tao o bagay na sa tingin ko'y lalo lamang nakapagpapabansot sa aking paglago.
Basta sisikapin ko ngayong tutukan ang mga bagay na nais kong makuha, marating o makamit. Kung ano man 'yun, ako na lang ang nakakaalam at kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.

Saturday, December 22, 2007
Sobrang pambabastos na to!
Nakakainis lang ang mga taong walang magawa. Hindi na lang manahimik...gagawa pa ng eksena tulad na lang nito, pati walang kalaban-laban na "Nativity scene" pinagdiskitahan ng mga taong walang isip at respeto sa katawan. Hmp.
Friday, November 02, 2007
Babay na
Umalis na ang kapatid kong si Karla upang makipagsapalaran sa Dubai. Hindi kami naging ganu'n kalapit pero hindi rin naman kami parang hindi magkapatid ang turingan 'di lang kasi kami namuhay magkakasama tulad ng iba ko pang mga kapatid.
Bukod tanging ako lamang na panganay ang lumaki kapiling ng aking mga lolo't lola sa Quezon. Mahabang istorya kung ilalathala ko pa.
Si Karla sy esponghado, isang deskripsiyon na kung lalapatan ng kahulugan ng mga Pinoy, matigas daw ang ulo dahil may pagkakulot.
Tanda ko pa noong maliit pa kami, lahat ng gusto niya nakukuha niya - kesehodang maglupasay pa siya sa sahig ng SM Cubao noon kasabay ng walang humpay na pag-iyak dahil nais niya ang isang laruan.
Isa pang nais niya noon ay ang aking alkansiyang de-susi na binili rin namin ng aking ina sa SM pero nu'ng makita na ni Kukay (palayaw ni Karla) ay hindi na rin tinigilan ang pag-iyak dahil gusto nga niya ang naturang bagay. At dahil madali naman akong pakiusapan ng aming ina, nakuha ni Kukay ang alkansiya.
Tanda ko rin kapag inaaway siya ng aming kalaro, ako ang umiiyak at hindi siya. Terible, hindi ba? Ewan ko, ayoko lang inaaway ng iba ang kapatid ko at ako ang nakikipag-away para ipagtanggol siya.
Ilan lang yan sa mga alaala nu'ng magkasama pa kami nu'ng kabataan namin. halos sampung taon mahigit din kaming magkahiwalay.Gayunman, natutuwa naman ako na lumaki siyang independent at responsable. At ngayon nga, magkahiwalay na naman kami, mas malayo nga lamang ngayon dahil nasa ibang bansa na siya.
Harinawa, maging maayos at matagumpay ang kanyang pakikipagsapalaran sa ibang lupain. Kasihan nawa siya lagi ng Poong Maykapal.

Tuesday, September 18, 2007
Kumusta?
Tagal ko ring hindi nakapag-update dito dahil muli akong inampon ni Ate Melai.
Marami rin ang nangyari, at mabuti na lamang yung nawalang site ko kay Ate Melai, nandoon lahat ng negative thoughts. Siguro, blessing in disguise na rin na hindi ko na na-retrieve ang mga post ko roon kasi hindi magandang alaala lang ang nilalaman nu'n. (although sabi ni Ate Melai, puwede pa niyang ibigay sa akin ang content nung dating Malaya.
Balak kong buhayin muli ang site kong ito, pati yung unang-una kong blog. Kailangan ko lang nang kaunti pang panahon para mapagtagumpayan ang balaking ito.
Hanggang sa muli, aking mga kaibigan...maaari ninyo akong dalawin dito habang hindi ko pa naaayos ang bahay na ito.

Friday, February 23, 2007
Tuesday, February 13, 2007
Monday, February 05, 2007
late ka na naman?
Cliche na sa akin ang salitang 'yan. Hindi naman dahil sa almost everyday akong late sa office (eh, ano pa ba itatawag ko dun?) kundi marami akong late ngayon...as in.
Kung kailan ko naman sana o-offer-an ang aking boss na bigyan na ako ng day-off - dahil nasa transition period ako, eh, bigla na lang siyang nagbaba ng memo at sinuspinde ang day-off ng iba kong officemates ('di vah, Wendy?). So, hindi na ako nakahirit, pero minsan ko nang sinubukan kaso nasopla rin ako kaya hindi na rin nagpumilit ang isa pa naming officemate na si Faye na magpaalam um-absent.
Ang resulta... lately, lagi akong late (umm mga 1 hour and 45 minutes ang pinakamatagal). Dahil dito, hindi ko rin ini-expect na full monitoring ang ginagawa ng aming management kaya one night after ng press work, ipinatawag ako ng aming bossing kaharap ang aming GM. Since knows ko naman what possible topic ang aming pag-uusapan, eh, go na lang ako at parang isang grade schooler na nagsasabi nang "I promise not to be late anymore" 100 times sa harap ng teacher at guidance counselor. Wehehehe.
Alam kong maaaring mag-reflect ito sa 201 file. Alam ko rin na mababaw at hindi dapat idahilan ang mga gawaing-bahay kaya ka nahuhuli sa pagpasok sa trabaho, pero hindi ba dapat ding isipin ng employers na kailangan din ng quality time para sa pamilya at sarili ng kanilang mga empleyado? Paano ka pa magiging efficient kung pagod na pagod ka na? Kung ang kalabaw nga nagpapahinga rin matapos ang maghapong gawain sa bukid...kami pa kayang tao lang?

Saturday, January 27, 2007
balik-blogging
Kumusta, Kumusta, Kumusta! Sobrang na-miss ko ang blog world at ang mga blogistas!
Pansamantala muna akong maluluklok dito sa dati kong blog, dahil nagkaroon ng problema sa manilenya.com ng butihing si Ate Nalen (Ate Melai).
Actually, hindi pa ako makabalik nang husto sa blogging kasi medyo marami pang responsibilidad na inaasikaso at problema ko itong mabagal kong PC, pero sisikapin kong makapag-update kahit tinatawanan na ako ng officemates ko kasi ako lang ang hindi makapasok sa blogger, hmp.(Eto na sa wakas ang update ko! harharhar!)
Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito na pasalamatan kayong lahat na nagtitiyagang dumalaw dito. Sisilip na lang ako sa inyong mga lungga!

Monday, July 24, 2006
seryoso ka ba?
"Kung ako lang ang nag-iisip ng ganu'n,
puwede kong ipagpalagay na napa-paranoid lang ako
pero sila na ang nagsasabi kaya mas lalo akong nasasaktan."

Tuesday, July 18, 2006
Tuesday, July 11, 2006
nagbabalik
Na-miss ko ang blogosphere kaya heto, hopefully tuluy-tuloy na ulit ang update ko. Marami ang nangyari sa mga nakaraang araw. Nakakapagod. Ayaw ko nang balikan. Yung iba nakaka-stress, emotionally at mentally, pero tapos na 'yun. Bothered lang talaga ako lately na hanggang sa panaginip nadadala ko. Kainis. Hindi ako maka-focus. Ito ang epekto ng sobrang pag-iisip.
Anyway, umalis na ang Tita Aida ko pa-Jordan. Hindi man lang ako nakapunta sa despedida party niya noong Linggo. Dinaan ko na lang sa text message. Sana maging maayos ang kalagayan niya roon. Actually, na-move lang naman ang departure niya, suppossed to be noong last week of June pa siya aalis pero namatay ang lola ko. Ayun!

Sunday, July 02, 2006
Friday, June 23, 2006
one week na lang

Isang linggo na lang, kaarawan na ng aking si Ponks. Magli-limang taon na siya at kasalukuyang nasa Preparatory level. Nakakatuwa, kasi matured siya sa kanyang edad at minsan nagugulat na lang kami ni Jo sa mga sinasabi niya o sagot niya.
One time, tinanong ko kung ano'ng subject siya binigyan ng star ng kanyang titser. Ang sabi niya sa akin, sa Math.
Tinanong ko ulit siya kung ano'ng ginawa nila at nabigyan siya ng star, ang sabi niya, tinanong sila ni Teacher Girlie na, What is addition?
Sabi ko, ano'ng isinagot mo?
Walang kagatul-gatol na sinagot ni Ponks na, Addition is putting together 2 or more numbers.
Dahil nagulat ako sa sagot niya, pinaulit ko at inulit niya naman...walang labis, walang kulang.
Nakakatuwa talaga na mabilis siyang matuto, 'yun nga lang dahil bata hindi maiiwasan ang tantrums niya. At dahil bata pa rin ang edad niya, hinahayaan ko rin na ma-enjoy niya ang childhood niya.
Sunday, June 18, 2006
sa aking kabiyak
Saturday, June 17, 2006
Saturday, June 10, 2006
Friday, June 09, 2006
maligayang pagbati
Anibersaryo sa kasal ng aking ama't ina ngayon.
Aking napagtanto, marami na rin silang pinagdaanan sa mga lumipas na panahon. Naroong naghiwalay sila nang halos apat na taon, pitong taon pa lamang ako noon, pero kasabay ng pagtatapos ko ng elementarya, nagbunga ng isang anak na lalaki ang kanilang pagbabalikan. Sabi nila, suwerte raw sa pamilya ang tatlong babae at isang lalaki ang anak.
Pero ngayon, para pa rin silang aso't pusa. Hindi sila compatible pero nakakatagal sila sa isa't isa. Kapag napagkukuwentuhan na namin silang magkakapatid, natatawa na lang kami at napapailing. Nasanay na kami sa kanilang kilos, gawi at kanya-kanyang paniniwala na madalas magkataliwas pero napag-uugnay pa rin sa bandang dulo.
At least, nakakatuwa pa ring isipin na nagdiriwang pa sila ng kanilang ika-27 taon ng pag-iisang dibdib. Happy Anniversary!

Sunday, June 04, 2006
awit ng pagkakaibigan
Una pa lang itong kinanta ng PBB Teens Grand Winner na si Kim in Chinese version, nagustuhan ko na agad. Lalo kong naibigan noong naisalin ito sa Tagalog. At finally, may TagChi version na siya ka-duet ang MYMP. Narito ang kabuuan ng titik ng naturang awitin.
.
Sa lahat ng luha
Lagi kang may kasama
Sa gitna ng ulan,
karamay mo ako kaibigan.
.
Sa tatahakin mong daan
'di kita iiwan
Di kana mag-iisa,
kaibigan.
.
Chorus:
peng you yi shen yi chi zou
Na xie ri zhi bu zhai you
Ating pagkakaibigan
'di magbabago kailanman.
.
Peng you bu cheng gu tan gou
Yi shen peng you, ni hui dong
Kahit na magkalayo,
nandito ka sa ‘king puso.
.
Coda:
Ichiwa, i pei chu
Kaibigan kahit kailan.
Subscribe to:
Posts (Atom)