Wednesday, March 18, 2009

Kawawang Pinay

Onli in da Pilipins talaga. Ang rape victim noon, nagre-retract na ngayon. Nakakadismaya. Oh well, wala man akong pakialam kay Nicole dahil sariling desisyon niya ang ginawang pagbaklas sa kasong rape vs Lance Corporal Daniel Smith, pero ganu'n na lang ba 'yun?
Matapos mabulabog ang buong Pinas sa kaso niya noong 2005 at halos mapatid ang boses ng mga kababaihan sa pagkondena sa nangyari sa kanya sa kamay ng mga sundalong Kano, bigla na lang niyang sasabihin ngayon na hindi siya siguradong rape ang nangyari sa kanila? Huh!
Eniweys, masuwerte siya dahil ang abogado niyang si Atty. Evalyn Ursua at ang grupong Gabriela still gives her the benefit of the doubt.
Kunsabagay, wala tayo sa sapatos ni Nicole, maaaring na-pressure siya (o napresyuhan?) at tulad ng sinasabi, maaaring biktima na naman siya ng kanyang katangahan (sorry to say) o ng bulok na sistemang umiiral sa bansa.

Tuesday, March 10, 2009

Ang Pagbabalik

Nobyembre 2, 2007 nang umalis ang kapatid ko upang makipagsapalaran sa ibang bansa at ngayon ay Marso 10, 2009, mamaya lamang 10:30 ng gabi, nakatakda na siyang tumuntong muli sa Pilipinas.
Ang bilis ng panahon ano? Sa loob ng halos isa't kalahating taon marami nang nangyari. Nakapagtrabaho na sa ibang bansa si Kukay, si Kat-Kat naman, tapos na sa kolehiyo at isa nang ganap na lisensiyadong nurse. Si Kevin na lang ang nag-aaral sa kolehiyo at hopefully... eh makapagtapos nang maayos.
Ako? Eto magdadalawa na ang anak ko. Hehehe.

Saturday, January 12, 2008

Pagbabago

Bagong Taon na - 2008, marami akong gustong mabago sa buhay ko o sa tamang sa lita ang ibig kong sabihin ay pag-ibayuhin. Paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari, parang nakulong ako sa isang kahon at tuluyan nang nasupot.
Kailangan makuha ko naman yung mga gusto ko ngayong taon na ito, sarili ko naman ang iisipin ko at hahayaan ko na muna ang ibang tao o bagay na sa tingin ko'y lalo lamang nakapagpapabansot sa aking paglago.
Basta sisikapin ko ngayong tutukan ang mga bagay na nais kong makuha, marating o makamit. Kung ano man 'yun, ako na lang ang nakakaalam at kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.

Saturday, December 22, 2007

Sobrang pambabastos na to!

Nakakainis lang ang mga taong walang magawa. Hindi na lang manahimik...gagawa pa ng eksena tulad na lang nito, pati walang kalaban-laban na "Nativity scene" pinagdiskitahan ng mga taong walang isip at respeto sa katawan. Hmp.

Friday, November 02, 2007

Babay na

Umalis na ang kapatid kong si Karla upang makipagsapalaran sa Dubai. Hindi kami naging ganu'n kalapit pero hindi rin naman kami parang hindi magkapatid ang turingan 'di lang kasi kami namuhay magkakasama tulad ng iba ko pang mga kapatid.
Bukod tanging ako lamang na panganay ang lumaki kapiling ng aking mga lolo't lola sa Quezon. Mahabang istorya kung ilalathala ko pa.
Si Karla sy esponghado, isang deskripsiyon na kung lalapatan ng kahulugan ng mga Pinoy, matigas daw ang ulo dahil may pagkakulot.
Tanda ko pa noong maliit pa kami, lahat ng gusto niya nakukuha niya - kesehodang maglupasay pa siya sa sahig ng SM Cubao noon kasabay ng walang humpay na pag-iyak dahil nais niya ang isang laruan.
Isa pang nais niya noon ay ang aking alkansiyang de-susi na binili rin namin ng aking ina sa SM pero nu'ng makita na ni Kukay (palayaw ni Karla) ay hindi na rin tinigilan ang pag-iyak dahil gusto nga niya ang naturang bagay. At dahil madali naman akong pakiusapan ng aming ina, nakuha ni Kukay ang alkansiya.
Tanda ko rin kapag inaaway siya ng aming kalaro, ako ang umiiyak at hindi siya. Terible, hindi ba? Ewan ko, ayoko lang inaaway ng iba ang kapatid ko at ako ang nakikipag-away para ipagtanggol siya.
Ilan lang yan sa mga alaala nu'ng magkasama pa kami nu'ng kabataan namin. halos sampung taon mahigit din kaming magkahiwalay.Gayunman, natutuwa naman ako na lumaki siyang independent at responsable. At ngayon nga, magkahiwalay na naman kami, mas malayo nga lamang ngayon dahil nasa ibang bansa na siya.
Harinawa, maging maayos at matagumpay ang kanyang pakikipagsapalaran sa ibang lupain. Kasihan nawa siya lagi ng Poong Maykapal.

Tuesday, September 18, 2007

Kumusta?

Tagal ko ring hindi nakapag-update dito dahil muli akong inampon ni Ate Melai.
Marami rin ang nangyari, at mabuti na lamang yung nawalang site ko kay Ate Melai, nandoon lahat ng negative thoughts. Siguro, blessing in disguise na rin na hindi ko na na-retrieve ang mga post ko roon kasi hindi magandang alaala lang ang nilalaman nu'n. (although sabi ni Ate Melai, puwede pa niyang ibigay sa akin ang content nung dating Malaya.
Balak kong buhayin muli ang site kong ito, pati yung unang-una kong blog. Kailangan ko lang nang kaunti pang panahon para mapagtagumpayan ang balaking ito.
Hanggang sa muli, aking mga kaibigan...maaari ninyo akong dalawin dito habang hindi ko pa naaayos ang bahay na ito.

Friday, February 23, 2007

pa-update na lang

Balik na ulit ako sa bahay ni Ate Nalen
bisitahin n'yo ako DITO ha!
Hihintayin ko kayo!